IDINEKLARA ng Department of Health (DOH) nitong Sabado ang limang lugar sa National Capital Region (NCR) sa moderate risk kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Sa panayam sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim na ngayon ng moderate risk classification:
* Pasig
* San Juan
* Quezon City
* Marikina
* Pateros
Ayon sa DOH, mauuri ang isang lugar bilang moderate risk kung ito ay may positibong two-week growth rate sa bilang ng COVID-19 cases at average daily attack rate (ADAR) na nasa pagitan ng 1 hanggang 7.
Ang ADAR ay ang insidente na nagpapakita ang average na bilang ng mga bagong kaso sa isang panahon bawat 100,000 tao.
“Kapag tiningnan natin, ang kanilang mga growth rate ay lumalagpas ng 200% kasi nanggagaling sa mababang numero, biglang nagkaroon ng kaso kaya tumaas ang growth rate,” ayon kay Vergeire.
Gayunpaman, sinabi ni Vergeire na isa lamang sa limang nabanggit na lugar ang may bahagyang pagtaas sa hospitalization na may mild symptoms at asymptomatic admission.
“Even though these five areas are under moderate risk classification, only one of them had a slight increase in hospital admissions and the rest are less than 50%,” aniya ni Vergeire.