SINABI ng OCTA Research Group na 43 porsyento ng kabuuang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ay nagmula sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa OCTA, 15,959 sa 37,154 na kaso ng virus ay mula sa Metro Manila.
“15,959 in the NCR today, as predicted (16k). This is 43% of national numbers. Note that this is lower than the past 4 days,” ani OCTA Research fellow Dr. Guido David.
Sinabi ni David na ang data na kinuha rin mula sa DOH, ay nagpakita na ang Cavite, Rizal, Laguna, at Bulacan—ang mga karatig na lalawigan ng Metro Manila—ay sumunod sa NCR sa mga sumusunod na may mataas na bagong bilang ng timanaan ng virus.
Ang Cavite ay mayroong 3,139 bagong kaso; Rizal may 2,265; Laguna may 1,935 at Bulacan na may 1,291.
Batay sa random antigen tests na isinagawa ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni David noong Linggo na inaasahang ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay maaaring anim hanggang 15 beses na mas mataas kaysa sa mga opisyal na numero na inilabas ng DOH.