HANGGANG 40 percent capacity na ang pwedeng tanggapin sa mga kainan sa Metro Manila at Bulacan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito ay base na rin sa paglalagay sa Metro Manila at Bulacan sa general community quarantine (GCQ) with some restrictions.
Idinagdag ni Roque na mula 30 porsiyento hanggang 50 porsiyento ang pinapayagan na sa mga religuous activities.
“Sa restaurant po, 40% allowed; pero kung mayroong safety seal, additional 10% up to 50%,” sabi ni Roque.
“Sa religious worship, 10% po sa MECQ, 30% sa GCQ, sa GCQ with restrictions, sa Metro Manila at saka sa Bulacan, 30% up to 50% if allowed by LGU. Sa GCQ with heightened 10% po, up to 30% with consent of LGU, ang MGCQ hanggang 50%,” dagdag ni Roque.