APAT na kalalakihan ang inaresto dahil sa diumano’y ilegal na pagbebenta ng COVID-19 rapid test kit sa online, sa Pasig City nitong Martes.
Inaresto ang apat sa isang operasyon na ikinasa ng Food and Drug Administration nitong Martes, kasama ang mga miyembro ng PNP Criminal Investigation and Detection Group Quezon City Field Unit at Philippine Air Force.
Hindi naman agad nakilala ang apat bagamat nakumpiska sa mga ito ang 21,000 rapid test kit na nagkakahalaga ng P200 ang isa.
Nahaharap sa kasong paglabag sa FDA Act ang apat kaugnay sa FDA Advisory No. 2020-016 na nagbabawal ng online selling ng COVID-19 antibody test kits.