APAT na nakipila sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin ang nagpositibo sa coronavirus disease.
Ito ang kinumpirma ni Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) chief Dr. Rolando Cruz.
Ayon sa opisyal, isa sa apat ay nagmanipesto ng mga sintomas ng sakit habang ang tatlo ay pawang mga asymptomatic.
“Today is the fifth day since Ms. Locsin’s event . The average incubation period for Covid-19 is approximately five days. So we call on everyone who went to last Friday’s gathering, please report to us and have yourself tested. If there was a transmission and you were exposed, you may observe symptoms manifesting starting today,” ayon kay Cruz.
Matatandaan na una na ring naging kontrobersyal ang pantry ni Locsin matapos bawian ng buhay ang isa sa mga pumila rito na isang senior citizen.