4 nag-swimming sa Gubat sa Ciudad positibo sa Covid-19

APAT katao na dumayo sa Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan, na ipinasara noong Mayo 10 ng lokal na pamahalaan dahil sa paglabag sa health protocols, ay nagpositibo sa Covid-19.


Ayon kay Sikini Labastilla, hepe ng Caloocan Covid-19 Command Center, isa sa mga nagpositibo ay may sintomas.


“Out of 123 na na-contact, 43 ang napa-antigen test na namin. Out of the 43 na na-contact, apat ang nag-positive. Ang isa pinasok na sa facility and ang tatlo, in the process of being admitted in a facility,” ani Labastilla.


Isasailalim din sa test ang pamilya ng apat, dagdag ng opisyal.


Samantala, pinaghahanap pa ang 164 iba pa na bumisita sa resort upang maipasuri rin.


“We’re also issuing official violation receipts of violation ordinances nila, especially those na hindi nagko-cooperate,” ayon sa opisyal. “Sooner or later, mahahanap din naman namin sila. Might as well na get this over with para kung negative sila, they don’t have to go to a facility. All of them are being closely monitored anyway.”