4 nadale ng Delta variant sa birthday party

PINANINIWALAAN na nahawa sa birthday party ang apat na katao na nagpositibo sa Delta variant ng Covid-19 sa Cagayan de Oro City noong isang buwan.


Ayon sa ulat, apat sa dumalo sa birthday party noong Hunyo 18 ay positibo sa Delta variant habang inaalam pa kung anong strain ang tumama sa isa pa.


Minomonitor na ng mga otoridad ang apat at ang mga taong nakasalamuha nila.


Kaugnay nito, inihayag ng Department of Health na nasa 119 na ang kaso ng Delta variant sa bansa makaraang iulat ang 55 indibidwal na nagpositibo sa strain.


Sa kalatas, sinabi ng DOH na 37 dito ay local cases habang 17 ay mga umuwing overseas Filipino workers habang inaalam pa kung OFW o local case ang isa pa.


Sa local cases, 14 ay mula Calabarzon, walo mula sa hilagang Mindanao, anim ay may address sa Metro Manila, anim mula sa Central Luzon, dalawa mula Davao Region at isa mula sa Ilocos Region.