33,000 new COVID cases naitala

NAITALA ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng COVID cases simula nang magkapandemya.

Ito ay matapos makapagtala ng 33,000 bagong kaso ngayong Lunes, Enero 10, mas mataas sa 28,707 na naitala nitong nakaraang Linggo.

Dahil dito pumalo na sa halos 3 milyon ang kabuuang bilang ng mga nainfect ng coronavirus disease habang nasa 157,526 ang kabuuang active case.

Umakyat din ang bilang ng mga nasawi sa 52,293 matapos makapagtala ng 145 new deaths ngayong araw.

Tumaas din ang bilang ng mga nagsigaling sa 93 percent o may kabuuang 2.78 milyon.