IGINIIT ng Department of Health (DoH) na hindi bakuna kontra Covid-19 ang ikinamatay ng tatlong menor-de-edad.
Sa isang briefing sa Laging Handa, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na base sa inisyal na ulat mula sa mga eksperto sa Regional Adverse Events Following Immunization Committee, namatay ang isang bata dahil sa pneumonia, samantalang dengue at pulmonary tuberculosis naman ang ikalawa at ikatlong biktima.
“But of course, these are initial diagnosis at ito po ay pinag-aaralang maigi ngayon ng ating mga eksperto para makapagbigay po ng kaliwanagan kung ito po ay dahil sa bakuna o hindi. Pero sa initial na sinasabi, nakikita natin, may ibang sakit iyong mga bata kaya po sila ay namatay,” sabi ni Vergeire.