SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na nakatakdang palitan ng COVAX facility ang 3.6 milyong doses ng COVID-19 vaccine na nag-expire na.
“Yung mga nag-expire na sa atin, umabot na sa 3.6 million doses which is only about 1.46 percent ng inventory ng mga bakuna… papalitan yan, irereplace ng COVAX facility, nag-meeting na kami kahapon at meron na silang sulat sa atin at no extra cost,” sabi ni Duque sa kanyang ulat sa Talk to the People.
Idinagdag ni Duque na nakikipag-usap na rin ang pamahalaan para mapalitan din ang mga bakuna na binili at nag-expire na rin.
“Ang pakiusap namin ni (Vaccine czar) Secretary (Carlito) Galvez, pati yung pinocure, nag-expire, hindi lang yung donated, pati yung precured palitan na rin nila. We are awaiting for their answer,” dagdag ni Duque.
Umaasa naman si Pangulong Duterte na magiging positibo ang tugon ng mga vaccine companies.