AABOT sa 285 ang bilang ng mga manggagawa ng Philippine National Railways (PNR) na nagpositibo sa COVID-19 antigen test.
“‘Yung ating huling bilang na 261, ngayon po ay 285 na at continuing po ang ating testing lalo na sa passenger-facing employees,” ayon kay Atty. Celeste Lauta, spokesperson ng PNR.
Sa 285 empleyado, 58 sa mga ito ay humaharap sa mga pasahero.
“Karamihan naman po ay non-passenger facing,” ayon kay Lauta.
Mayroong mahigit 1,700 na personnel ang PNR, kabilang ang mga mula sa mga service provider, aniya ni Lauta.
Tiniyak ni Laute sa mga pasahero ng PNR na ang bawat tren ay maayos na nadidisinfect pagkatapos ng bawat biyahe.
“Kaya tayo nagka-conduct ng random testing sa ating mga pasahero ay para makita natin yung data or yung sample namin kung meron nang mga positibo sa aming mga mananakay,” dagdag pa niya.