HANDA na ang 24 vaccination sites na gagamitin para sa pagpapabakuna ng 5-11 taon gulang simula sa Pebrero 4, 2022.
Sa panayam sa Teleradyo, sinabi Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nakatakda nang dumating sa Pebrero 2 ang mga biniling bakuna para sa mga bata.
“Gusto nga po ng PMA (Philippine Medical Association) na mailagay po na vaccination day during weekend kasi nakita nila yung mga nanay at saka tatay ay nagtatrabaho, so ang tinitingnan po namin na more or less February 4 or 5 ang ating vaccination para sa ating 5-11,” sabi ni Galvez.
Idinagdag pa ng opisyal na sakop ng 24 vaccination sites ang pitong lungsod at munisipalidad sa Metro Manila.
“Yung ibang region, yung Region 3 and 4, gusto nang sumabay dahil malaki na ang ating experience considering 124 milyon na ang naiturok natin. Kayang-kaya na ng mga vaccinators natin,” aniya.
Idinagdag ni Galvez na target na mabakunahan ang 15.6 milyong kabuuang bilang ng mga edad lima hanggang 11.