MAY kabuuang 23,727 mga bata na may comorbidities ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna laban sa coronavirus disease.
Ito ang sinabi ngayong Huwebes ni Health undersecretary Myrna Cabotaje sa isinagawang briefing.
Sa kabuuan, tanging 25 adverse effects lamang ang naitala, gayunman tatlo rito ang maituturing na serious.
Isa sa mga kaso ng serious adverse effect ay nang makaranas ang naturukan ng matinding allergy o anaphylaxis samantalang ang dalawa ay kinailangan ng oxygen.
Ang mga ito ay isinugod sa ospital ngunit nai-discharge din makalipas and dalawang araw.
Sinabi rin ng opisyal na uumpisahan na rin ang third phase ng vaccination rollout para sa mga menor de edad na may comorbidities sa karagdagang 50 ospital sa iba’t ibang bansa.