INIHAYAG ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na aabot sa 20 milyong doses ng Moderna ang nakuha ng pamahalaan.
Sinabi ni Galvez na sa kabuuang 20 milyon, 13 milyon ay binili ng pamahalaan, samantalang pitong milyon ang inangkat ng iba’t ibang kompanya sa pamumuno ng International Container Terminal Services, Inc (ICTSI).
Dumating ang unang batch ng Moderna noong Hunyo na aabot sa 249,600 doses na bahagi ng 13 milyong na binili ng gobyerno.
Kasabay nito, itinanggi ni Galvez na kinokontrol ng gobyerno ang pagdating mga bakuna na inorder ng pribadong sektor.
“This is why we find it disconcerting that the NTF and the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases are being accused of holding the vaccine supply procured by the private sector. This issue, which have been circulating online, is clearly peddled by malicious individuals who wish to undermine the country’s vaccine rollout,” ayon kay Galvez.