NAGBABALA si outgoing Health Secretary Francisco Duque III na posibleng umabot sa 1,500 hanggang 2,000 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila sa Hulyo bunsod ng patuloy na patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan ng virus.
Sinuportahan din ni Duque ang nauna nang pagtaya ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na papalo mula sa 800 hanggang 1,200 ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Hulyo.
“Ang sinasabi nila between 800 to 1,200 sa NCR, pwedeng sumipa pero by end of July, pwedeng umabot yan ng 1,500 to 2,000 cases daily. After that magpa-plateau siya to below 1,000.
Dagdag pa ng kalihim na sa kabila ng pagtaas ng mga impeksyon dahil sa COVID-19, malayo na maranasan ng bansa ang nangyari noong Enero kung saan nakapagtala ng 39,000 kaso sa bansa.