INIREKOMENDA ng OCTA Research Group na palawigin pa ng dalawang linggo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa.
“Yung rekomendasyon ay i-extend muna ang MECQ ng one to two weeks,” sabi ni OCTA fellow, Prof. Guido David.
Ito’y sa harap ng babala ng Department of Health na posibleng umabot pa sa 43,000 kada araw ang mga kaso ng Covid-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring umabot sa 150,000 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa National Capital Region.
Magtatapos ang MECQ sa NCR sa Setyembre 7, 2021.