NATUKOY ng Pilipinas ang unang dalawang kaso ng omicron BA.5 na variant sa 2 tao mula sa Central Luzon, sinabi ng Department of Health nitong Biyernes.
Ang mga pasyente ay walang travel history maliban sa kanilang polling precinct sa Metro Manila, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Agad na nag-isolate ang mag-asawa matapos makaranas ng ubo at sipon, at ngayon ay asymptomatic at naka-recover na rin, aniya.
“Maliban sa pagpunta sa election precinct dito sa NCR, wala pong travel history ang dalawang indibidwal,” sinabi ni Vergeire.
Mayroong dalawang close contact ang pasyente na kasama sa kanilang bahay at patuloy na naka-isolate matapos ang isa sa kanila ay magpositibo sa virus, sinabi ni Vergeire.