UMABOT sa 1,749 train commuters ang hindi pinayagan makasakay sa Metro Manila public rail system matapos hindi makapagpakita ng vaccination card sa unang araw ng pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” policy nitong Lunes.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, may 1,204 MRT commuters ang hindi pinasakay habang 401 naman sa LRT1 at 136 sa LRT 2, at walo sa Philippine National Railways.
Sinabi naman ni Transportation Secretary Art Tugade, generally compliant naman ang publiko sa isinasagawang implementasyon ng “no vaccine, no ride” policy sa Metro Manila habang nasa ilalim ito ng Alert Level 3 o mas mataas pa.