ISASAILALIM sa Alert Level 3 ang 14 na lugar sa bansa epektibo Enero 9 hanggang 15 dahil sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease.
Kabilang sa mga lugar na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force na ilagay sa Alert Level 3 ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region (CAR); Dagupan City sa Region 1; Santiago City at Cagayan sa Region 2; Angeles City, Bataan, Olongapo City, Pampanga at Zambales sa Region 3; Batangas at Lucena City sa Region 4-A; Naga City sa Region 5; Iloilo City sa Region 6; at Lapulapu City sa Region 7.
Matatandaang bukod sa Metro Manila, inilagay rin sa Alert Level 3 ang Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite dahil sa paglobo ng mga kaso ng Covid-19.