PANIBAGONG milestone ang narating ng vaccination program ng bansa matapos pumalo sa halos 12 milyon doses na ang naiturok sa mga Pilipino simula nonng Marso, ayon kay National Task Force against Covid-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon.
Sa isinagawang ceremonial vaccination of economic frontliners sa essential sectors sa Clark Freeport Zone, sinabi ni Dizon na isang milyon doses na ang nai-administer nitong lang nakalipas na apat na araw.
Nitong Biyernes lang ay umabot sa 11 milyong ang bilang ng doses na naibigay sa mamamayan.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan, naniniwala si Dizon na maabot nito ang herd immunity sa loob lang ng isang taon.