12 pang local Delta variant cases na-detect

UMABOT na sa 47 ang mga local cases ng Delta variant ng Covid-19 makaraang ma-detect ang 12 pang kaso, ayon sa Department of Health (DOH).


Sinabi ng DOH na tatlo sa mga bagong kaso ay mula Metro Manila, anim mula sa Region 3, dalawa mula sa Calabarzon, at isa mula sa Region 5.


“All cases have been tagged as recovered but their outcomes are being validated by our regional and local health offices,” dagdag ng kagawaran.


Bunsod nito, pinag-iingat ng DOH ang mga residente ng nasabing mga rehiyon dahil
“there may be ongoing local transmission already.”


Inatasan din nito ang mga otoridad mula sa mga lugar na dumami ang kaso ng Covid-19 na dagdagan ang sample para maisailalim sa genome sequencing.


Napag-alaman na sa 47 kaso ng Delta variant, 36 na ang gumaling, tatlo ang namatay at walo ang active.