SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na target ng pamahalaan na mabakunahan ang kabuuang 12.7 milyong mga menor na may edad 12 hanggang 17 bago matapos ang Disyembre 2021.
“Ang maganda pa rin po maunahan — matapos muna natin po ‘yung ano, ‘yung ating mga kabataan at least mga December para at least ano po ‘yung mga ibang susunod na mga sector na magkakaroon po ng third dose after the healthcare workers hindi po magkahalo-halo at saka ma-priority po natin ang mga bata,” sabi ni Galvez sa kanyang ulat sa Talk to the People.
Sakop ng pagbabakuna ang lahat ng mga batang edad 12 hanggang 17, kabilang ang may mga comorbidities.
“Kapag naging successful po tayo sa ano po, sa vaccination natin sa mga bata, ito po mawawala na po ‘yung stigma natin sa Dengvaxia,” ayon pa kay Galvez.