INILAGAY na sa Alert Level 4 ang 11 lugar sa Metro Manila at 54 iba pa sa buong bansa dahil sa patuloy na banta ng Delta variant ng coronavirus disease, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Kabilang sa 11 lungsod na nasa Level 4 ay ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig and Valenzuela.
“Kapag sinabi po nating level 4 alert, more than 70 percent ang utilization rate ng kanilang mga hospital,” dagdag ni Vergeire.
Ayon pa kay Vergeire, matatagpuan naman ang 54 iba pang lugar na nasa level 4 ang Cordillera Administrative Region (CAR), Regions I to III, Region IV-A, Region V, VI,VII, VIII, Region X, Region XII at Caraga.
“Pataas pa rin po ang trend ng ating mga kaso. Marami na po na na-escalate natin from alert level 1 lang dati ay naging alert level 3 or alert level 4,” aniya.