INAASAHAN na darating sa bansa ngayong buwan ang 10,000 vials ng Tocilizumab sa harap ng kakulangan ng suplay ng gamot na ginagamit sa mga may malalang kaso ng COVID-19.
“By September, we hope before the month ends, one drug company can import 10,000 vials. Let’s cross our fingers that the shipment will push through,” sinabi ni Health Secretary Francisco Duque sa isang panayam sa radyo ngayong Sabado.
Inamin ni Duque na limitado ang suplay ng Tocilizumab sa gitna ng matinding demand dito sa buong mundo.
Aniya, patuloy ang pakikipag-usap ng gobyerno sa ambassador ng Switzerland, kung saan nakabasa ang Roche, ang pharmaceutical company na gumagawa ng nasabing gamot kontra COVID-19.