10,775 bagong kaso ng COVID sa Pinas naitala

NAKAPAGTALA ng kabuuang 10,775 bagong kaso ng coronavirus disease ngayong araw, Enero 5, 2022, ayon sa Department of Health.

Dahil dito pumalo na sa 2,871,745 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19, habang nasa 39,974 ang active cases.

Ang tala ng mga new cases ngayong araw ang siyang pinakamarami simula noong October 10, 2021 na umabot sa 12,159.

Naitala naman ang 605 new recoveries na may kabuuang bilang na umabot sa 2,780,109.

Nasa 51,662 naman ang bilang ng mga nasawi, 58 dito ang naitala ngayon.