MANANATILI ang curfew hours na alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga sa Metro Manila, inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr.
Ani Abalos, napagkasunduan ng mga alkalde sa National Capital Region na panatilihin muna ang oras ng curfew upang hindi na muling pumalo ang kaso ng Covid-19.
“’Ang ating curfew na 10 p.m. to 4 a.m. ay minabuti ng ating mga alkalde na ipanatili. Status quo pa rin muna. Huwag na muna galawin ang ating curfew,’ aniya
Ipinatutupad ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwan.