1.8M doses ng AstraZeneca dumating

DUMATING ngayong araw ang 1,877,600 doses ng AstraZeneca na bahagi nang binili ng pribadong sektor.

Sinalubong ang mga bakuna nina National Task Force Against Covid-19 (NTF) Assistant Secretary Wilben Mayor, Sweden Ambassador to the Philippines Annika Thunborg at iba pang mga opisyal.

Base sa datos ng pamahalaan noong Enero 16, umabot na sa 18,944,887 ang nagamit na bakuna.

Samantala, tinatayang 55,195,486 Pinoy na ang fully vaccinated at 4,915,091 naman ang nabigyan na ng booster.