NASA 1.6 milyong Covid-19 vaccine doses ang nakatakda nang mag-expire sa Agosto, ayon kay Go Negosyo founder Joey Concepcion.
“By mid-August, about 1.6 million of the private sector vaccines will expire. We’re looking at hundreds of millions of pesos that the private sector will lose because these vaccines are expiring,” ayon kay Concepcion.
Dahil dito, inulit ni Concepcion ang kanyang panawagan sa Health Technical Advisory Council (HTAC) na payagan ang pagbibigay ng second booster shot sa pangkalahatang populasyon.
Sa ngayon, ang second booster shots ay maaari lamang ibigay sa mga senior citizen at immunocompromised na indibidwal.
Sinabi ni Concepcion, na bahagi rin ng Advisory Council of Experts, na nagbibigay ang ibang mga bansa na ng pangalawang booster doses sa kanilang mga mamamayan, at sinabing mayroong pangangailangan para rito.
“The sense of urgency is quite not there. The private sector and the government is trying to do their best, but there’s a body that is somehow moving quite slow,” sinabi ni Concepcion.