1.2M doses ng Sinovac, Sinopharm dumating sa bansa

MAY panibago na namang doses ng mga bakuna ang dumating sa bansa ngayon araw.

Nasa 1.2 milyong doses ng China-made na Sinovac at Sinopharm ang dumating sa bansa sakay ng Philippine Airlines flight PR361 at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Isang milyong doses ng Sinovac habang 260,800 doses naman ng Sinopharm ang mga bagong dating na bakuna.

Bahagi ang Sinopharm ng mga donasyon ng China sa Pilipinas.

Kahapon, dumating ang mahigit 700,000 doses ng Sinopharm na binili ng pamahalaan.