Woman on center stage

Disclaimer: Hindi ako anti-men at lalong hindi kontra lalaki ang artikulong ito.

Sa life cycle ng buhay ng babae sa mundong ito, hindi maaaring hindi siya dumaan sa puntong magkakaroon siya ng komprontasyon sa lalaki.

Sa primary school pa lamang, may mga umpukan ng mga batang lalaki na hindi pupuwedeng salihan ng babae. Etsapwera dahil nakapalda. Madalas sa hindi, lalaki ang team leader at ang babae: muse o secretary.

Ang explicit na mensahe: no girls allowed.

Kahit sa panahong ito ng malaganap na modernisasyon, hindi pa tuluyang nawaglit ang kaisipang patriarchal. Na ang ibig sabihin ay ang babae ay mahinang kasarian, ergo- pangkama, pang kusina ang madalas na teritoryo o sphere of influence, hindi lehislatura.

Noong maghayag ng kandidatura si Leni Robredo, madami ang nagdalawang isip dahil isa siyang babae. Tiningnan ang kanyang kasarian bilang sukatan ng kanyang kakayahan.

Muli siyang minaliit, kinondena, hiniya at hinushagan kamakalawa ng apat na tumatakbong kandidato sa pagkapangulo na pawang mga lalaki. Ang isa sa kanila, kinakitaan ng inggit at matinding selos sa kanyang mga akusasyon, sa anyo ng kanyang mukha at sa kibot ng katawan. Ako mismo ay hindi matunawan sa nakakahiyang inasal niya.

Mahina ang babae? Hindi ba mas mahina ang lalaking mas emosyonal na naghahayag sa publiko ng kanyang selos, inggit at paghusga sa sinasabing mahinang kasarian? Hindi ba mas lalaking ituring ang babaeng kayang maging objective at manahimik habang mas pinagtutuunan ang trabaho para sa sambayanan?

Hindi mo kailangang maging political scientist para ma-analisa ang totoong pagkatao ng lalaking lantarang namahiya sa babae. Ang kanyang pagkunsinti sa maling kalakaran ng mga nakaraang administrasyon ay malinaw na kahinaan niyang manindigan at tayuan ang mapait na katotohanan. Nais niyang lumangoy sa kahit kaninong dagat na may kapakinabangan. Para sa sariling pag-ahon.

May pagkakataon noon na nais ko siyang bigyan ng tsansa. Isang masipag na batang pulitiko na marubdob ang pagnanasang maging public servant. Ang ganda ng kanyang kuwento. Rags to riches.

Subalit mabilis siyang nilamon ng maduming sistema at pansariling ambisyon. Red flag yung pag-angkin niya sa milyong donasyon sa kanyang kampanya noon with the flimsy reason na nagbayad naman siya ng buwis nito. Hello, hindi niya pa rin pera yun kaya dapat isauli!

Mataas ang respeto ko sa lalaking tahimik na kumikilos at hindi palengkerang palaka ang istilo para lamang makatawag ng atensiyon. Sa ginawa niyang panghuhusga sa isang babae, tuluyang nawalan ng gana ang kahit yung may kaunti sanang paghanga sa kanya sa umpisa.

Ipinakita rin niyang masyadong hilaw ang kaalaman niya sa mga isyu, at kailangan niyang bumalik sa governance school para matuto. Isabay na rin niya ang enrollment sa eskuwelahang nagtuturo ng values education.

As to the other candidate na naturingang “gentleman”, nakakalungkot din na tila bakla ang kanyang paninindigan. Kahit ilang beses niyang ipagmalaki na makabansa siya, all doubts are cleared as to his intentions matapos ang publikong mga pahayag. For obvious reason, para sa kanilang ikaka-angat ang pagpapatawag ng pressconf kamakalawa.

Sadly, nag-backfire.

Iba ang nakita ng tao. Nakita nila ang tunay na kulay ng mga nagpapaawa at hindi ito naging paborable sa mapanuring mga mata. May isang nag-comment, “Eh mga gago pala ito eh. Pinagtutulungan ang kawawang babae. Mas Maritess pa sila sa mga Maritess. Mas bakla pa sila sa totoong bakla.” Kapwa nila lalaki ang nag-comment. See that?

I don’t want to suggest na tuluyang nawalan ng tsansa sa halalan ang mga lalaking ito, Ang sinasabi ko ay napunta ang simpatiya ng tao hindi sa kanila kundi sa kung sino ang kanilang hinushagan. Ganyan din naman kahit sa ordinaryong mamamayan hindi ba? The rule is: “Don’t judge or you will be judged.”

The woman is now set to center stage. It brought her even closer and closer. At sila mismo ang nagdala sa kanya.

Lesson learned: Never attempt to gaslight. It has a way of getting your wings burned.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]