LAST weekend, lumutang ang usap-usapang kudeta laban sa kasalukuyang liderato ng gobyerno.
Bunsod ito ng ikinakalat na panawagan na withdrawal of support sa administrasyong Marcos Jr. ng dalawang dating militar: sina dating Brig/Gen. Johnny Macanas at Retired Captain Clemente “Dado” Enrique na hindi naman sikat to make a dent sa kaisipan ng hanay ng retired and active military much more, sa taumbayan.
Pag ganyang may nag-iingay, idinudugtong agad ang kudeta na susunod na ganap.
Sa kanilang vlogs, sinabi nilang wala na silang tiwala sa pamumuno ni Marcos Jr.
Dati nang umugong ang kudeta noong November 2023 nang kumpirmahin mismo ni AFP Chief Romeo Brawner na ilang dating military officers ang nasa likod ng destabilization attempts.
Nakausap pa raw ni Brawner ang ilan sa kanila at nagbabala na wag i-involve ang “active personnel of the Armed Forces of the Philippines.”
Kwento ni Brawner, “Many were saying to change the president because of many reasons, some are saying there will be coup d’etat again.”
Pero agad na pinasinungalingan ito National Security Council Director General Eduardo Año.
“The Chief of Staff was misquoted or misinterpreted by the media while he was talking to the troops,” pagbawi ni Año.
Ang crystal clear ng pagkakasabi ni Brawner para ma-misquote.
At nito ngang December 30, naglabas ng petition sa Change.Org. sina Dado na may pamagat na “Manifesto ng Taong Bayan para Sagipin ang Inang Bayan”, o withdrawal of support kay Marcos Jr. for betrayal of public trust.
Bandang 5:47 am ngayong Wednesday, January 3, 2024, ang petition na sinimulan ni Dado Enrique ay nakaipon na ng 6, 483 signatures.
Apat na araw na ang nagdaan 6,000 plus pa lang pumirma?
Kung sadyang galit ang tao sa Marcos admin, dapat daan-daang libo hanggang sa milyon na ang signatories kasi sabi higit kaya kung ako kina Dado, bawiin na ang petition bago pa maging national flop..
So ano ang basehan ng kanilang withdrawal of support?
Sabi sa petition, ang Marcos government ay naging mapang-api at sinusupil ang katotohanan, hustisya, batayang karapatan at freedom of expression.
Corrupt na rin ito, mapanlinlang at nakikipagsabwatan sa enemies of the state.
Ginagamit ng matataas na opisyal ang mga batas para protektahan sila, magpayaman at takutin ang mamamayan.
Nanganganib daw ang demokrasya at kinabukasan ng bansa dahil incompetent, sakim, bulok, tamad at malupit.
Naglatag naman daw sila ng demands pero inisnab at ang yayabang at abusado.
Nandun sa second to the last paragraph ang pasabog:
“And We, recognize VP Inday Sara Zimmerman Duterte as the President of the Republic of the Philippines by way of succession.”
Blah, blah, blah.
Ayun, may panalo na, ang Confi Funds Queen.
Budol na budol ang dating.
Ginagamit nila ang mga legit gut-felt issues ng masa para makahatak ng suporta na aaminin ko ay totoo at valid namang lahat ang nilatag na basehan.
Sample cases lang tayo.
Corruption sa kaso ng pag-award ng Shell stakes sa Malampaya sa Marcos Jr crony Razon at extension pa ng service contract nila Razon at Duterte crony Dennis Uy na bumili naman ng Petron stakes.
Ito’y maski parehong walang technical expertise nor experience ang dalawang sakim na kapitalista pagdating sa oil and gas exploration and development.
Patuloy pa rin ang media attacks – apat na nga ang pinatay at ang tinuturong mastermind sa Percival “Percy Lapid” Mabasa killing na si dating Prisons director Gerald Bantag.
Pinatunayan naman ni Marcos Jr na incompetent siya lalo na nung nanungkulan siyang agriculture secretary at nagtataasan pa rin presyo ng bigas at iba pang pagkain.
Sino ba ang pinagloloko-loko ninyo?
Lahat ng basehang nakalista ay balik din sa Dutertes.
Di ba si Digong Duterte ang pumayag na ibenta sa crony nyang si Dennis Uy ang Malampaya shares ng Petron?
Sa corruption pa rin, anyare na sa Philhealth at iba pang anomalies sa panahon ni Duterte?
Bilang bise, saan napunta ang P125M confidential funds ni Sara Duterte na ginastos sa loob ng 11 araw? Hanggang ngayon wala siyang paliwanag na resibo.
Take note, budget ni Marcos Jr ang ibinigay na perang yan, dalawa kayong lumabag sa constitution na nagsasabing Congress lang ang may K sa galawan ng pondo ng bayan.
It takes two to tango.
Tapos ang kakapalan ng mukha, humirit pa si Sara D ng P650M Confidential at Intelligence Funds para sa kanyang Office of the Vice President at Department of Education ngayong taon. The rest is history sabi nga, kaya nagmumuryot ang mga Duterte.
Mula noon hanggang ngayon, cruel pa rin ang gobyerno sa drug war.
Higit 6,200 ang official recorded deaths sa “Tokhang” drive ni Duterte kaya nga malapit na siyang ipaaresto ng International Criminal Court sa kasong crimes against humanity.
Sa anti-drug campaign ni Marcos Jr., na BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan), may 342 ang drug-related killings sa unang taon niya sa panunungkulan, base yan sa Dahas monitoring project ng UP Third World Studies Center mula July 1, 2022 – June 20, 2023.
Kung incompetent si Marcos bilang agriculture secretary, hindi ba’t incompetent din ang Sara sa Dep Ed, patunay ang rank 77 ng Pilipinas sa 81 bansang sumailalim sa student assessment na ginawa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) para sa 15-year-old learners, 2022.
Kasama ang Pilipinas sa lowest in Mathematics, science at reading.
Although alam nating systemic ang problema sa edukasyon, walang sinimulang comprehensive na plano si Sara D sa DepEd mula nang umupo siyang secretary maliban sa pagpupumilit na ibalik ang ROTC, pagmanman sa mga estudyanteng nirerecruit ng mga rebelde at intelligence funds para rito, awayin at i-red tag ang Alliance of Concerned Teachers pati si Rep France Castro.
Sa pagkatalo ni Sara na makuha ang CIS budget para sa OVP at DepEd, nakialam pa si Digong at nagbanta na papatayin si Castro.
Pareho ring puppets ng foreign powers ang dalawang nagbabanggaang ruling elite:
Ang Marcoses, tuta ng Kano at ang Dutertes, tuta ng China. Walang itulak kabigin, grabe na ito.
Ano pinag-iba?
Ang ingay ng nag-withdraw ng tiwala kay Marcos Jr ay ampaw, hangin lang ang laman.
Dalawang political clans na nag-aagawan sa kapangyarihan na pareho namang tiwali, mapanupil, marahas at kontra-masa.
Hindi lang nabigay ang kapritso na CIS, nanggugulo na.
Nakakatawa dahil mukhang ewan lang ang mga Duterte at mga loyalist nila na nagkukumahog sa pagdurog sa kalabang elitista e wala rin namang moral ascendancy.
Maski bumaba pa nitong last quarter ng 2023 sa 46% ang dating 50% nung 2022 ang suporta sa Marcos admin base sa survey ng Publicus Asia, para lang mistulang langaw lang sa dumi ang mga Duterte at loyalista, sa Marcos Jr camp.
Pilit ginagawang Davao ang Pilipinas.
Takot na takot isalang sa ICC trials kaya kung ano-anong nakakaawa at nakakatawang galawan ang pinaggagawa.
Halata namang dapa na ang career at nagpapaayuda sa China.
Nagpagulong ng petisyon “to test the water” sabi nga, kung may papatol at kritikal ang bilang para magalaw ang inuupuan ni Marcos Jr sa Palasyo.
Ang crude nga ng plano. Nag-iingay ng destabilization para lumikha ng kondisyon para magalit ang taumbayan.
Sorry pero hindi pa hinog ang sitwasyon.
O baka pagod pa rin ang mga tao sa mga pag-aaklas o kaya naman ay walang pagpipilian sa parehong bulok na pinuno.
Iniimagine ko rin kung ano itsura ngayon ni Imee Marcos sa gumugulong na petisyon na yan? Pumirma rin ba siya na may pa-effect na diehard Duterte fangirl? Kawawa ang laos, lalong nalaos.
Bukod sa petition, ano pa ba kayang gawin ng Dutertes at loyalists? Kudeta?
Hindi mangyayari.
Kasaysayan na ang nagturo na walang nagtatagumpay na kudeta o anupamang destabilization campaign nang walang suporta ng taumbayan.
Wala namang movement laban kay Marcos Jr na sumasabay sa petisyon.
Kaya on hindsight alam na ng Marcoses na mangyayari ito kaya tulad ng sinabi ko sa nagdaang column, hindi ibinigay kay Sara ang pwestong defense secretary dahil gagamitin lang niya yan laban kay Marcos by way of consolidating the military sa side ng Dutertes pag nagkagalit-galit na sila.
Samantala, nakamasid at nagsusuri rin ang mamamayan sa tinatakbo ng elitist war na ito.