Wishlist 2023

MAGTATAPOS na naman ang taon mga Ka-Publiko.

Maraming nakaka-disappoint if not nakaka-devastate na pangyayari tulad ng bagyo, inflation.

Meron din namang magaganda, makabuluhan at happy memories na iiwan ang 2022.

Para sa papasok na 2023, naglista ako ng wishes na gusto kong magkatotoo. 

Ang bawat wishlist ay bunch of items under similar category kaya pwedeng may 3 items sa isang bunch of wishlist. Random ito.

Wishlist 1

Grammy and Billboard awards for SB 19: Binash sila noong una na mga mukhang tatay at tambay, ang sama. Ayun pala, game changer at Philippine pride for making history after history.

Unique sila in a sense na produkto sila ng creativity at talents ng Korea at Philippines sa kanilang collaborative project. 

Higit pa rito, outrageous ang arrangement ng vocals at instruments.

Sila ang the first and so far, the only Filipino band na Billboard Chart topper.

May distinct individuality pag nagso-solo ang bawat member pero pag nagsama-sama, perfection ang holy mess in harmony. 

Vocal spectrum: Ken – the most unbelievable bass I’ve ever heard.

Para sa akin, bass ang foundation ng lahat ng voices sa isang pyesa, buo ang depth at dama ang dark texture. Binebend nya ang notes at sound.

Pablo- legit leader of the band, gifted composer, philosophical person that reflects in his lyrics. Yang Mapa, pinaiyak ako. Yung Bazinga pinasayaw ako at yung WYAT for Where You At, pina-journey ako back in time patungong back to the future. Hanep sa transition.

Stell – may bright high notes at main choreo ng group and most importantly, Disney prince vibe na boses.

Josh – the lead rapper and singer with attitude and swag. 

At finally, Justin, mid-range, the more K-Poppy in this P-Pop group, flair, youthful, flexible vocal.

Mabigyan din sana ng patok na international project si KZ Tandingan na maso-showcase ang artistry nya. 

Nung napanood ko sa Singer 2018 ang Rolling in the Deep cover nya ng Adelle hit song, stunned to death ako – saan ka nakakita pinagsama- sa clean at minsan bombastic transition ang iba-ibang genre, may robotic effect (expert na paggamit sa auto-tune) – funky, latin jazzy undertone, then surprise rap after a while, nag-ending na rakista. Insane.

No wonder, tinalo niya sa episode na yun ang idol niyang si Jessie J.

Dinebunk ni KZ ang pagkahilig nating bumilib sa mga birit na C6 highest note kung kaya rin naman palang pasabugin ng midrange ang roof ng Philippine Arena dahil sa master siya ng music reinvention.

Magkaron din ng Big Hollywood break sina Morisette at Katrina Velarde. Waiting in bated breath ako na mag-collab ang dalawang ito that will unseat the West as center of universe pagdating sa pagiging vocal lexicon at mainstream artists

Wishlist 2

Maibaba ang nakasasakal na presyo ng mga bilihin: P 20 per kilo ng bigas (anyare sa drive vs hoarders at Binondo cartel?) suspension ng excise tax sa langis. 

Importante 2: Ibalik sa P90 ang por kilo ng red onions dahil after all, sagana naman pala sa fish harvest sa maraming probinsya at kung bakit naman hinatak ng profiteers ang presyo pataas para isabay sa white onions? 

Wishlist 3

Wag payagang kumawkaw sa municipal waters ang malalaking namamalakaya like floating sardine factories pagkatapos nilang simutin mga isda sa high seas hanggang the fishes left the Earth.

Then, mag-aalarma sila na magso- shortage ng sardinas, at mag-eending sa sitwasyon na aagawan ng catch o huli ang maliliit na mangingisda. Aba, authentic duga.

Wishlist 4

Ibalik sa ere ang ABS-CBN at isunod kaming mga natanggal (parang mas wishful thinking yata ito kesa wishlist, lol!).  

Bawiin ang harassment cases vs Rappler at Maria Ressa.

Tanggalin ang criminal aspect ng libel para hindi na ikinukulong ang mga nagbabalita at pagbayarin na lang ng damages (civil libel).

Iatras ang libel cases na nakaka-stress pero hindi naman meritorious dahil gusto lang mamerwisyo ng mga taong gobyerno na binabatikos at nagdemanda.

Mahinto ang online harassments, red-tagging sa mga journalist.

Trabaho lang po, walang personalan.

Wishlist 5

Mag-number 2 man lang ang Pilipinas sa Asian basketball qualifiers ng 2023 edition ng FIBA.

Wag palampasin ang oportunidad na automatic qualified ang Pinas bilang isa sa tatlong hosts kasama ang Japan at Indonesia sa World Cup Final Phase.

Otherwise, magmumukhang very consolation prize ang magiging impression ng automatic qualification ng Pilipinas sa qualifiers bilang host.

Wishlist 6

Panagutin si Digong Duterte, Bato dela Rosa at iba pa, sa extra-judicial killings dulot ng war on drugs na ipinush niya sa kanyang administration para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Wish ko makita na arestuhin si Digong ng International Criminal Court at ikulong siya atbp., sa ICC prison. 

Singilin si Duterte panggigipit sa media tulad ng Inquirer, Rappler at kay Maria Ressa, at pagpapasara ng ABS-CBN, ganun din sa extrajudicial killings laban sa indigenous peoples, lawyers, human rights workers at iba pa.

Pagbayarin si Duterte, Duque at iba pang sangkot sa multi-billion-peso Pharmally anomaly at Philhealth payment schemes.

Panagutin si Duterte, Faeldon, Lapeńa at iba pa sa P6.4B illegal drugs from China at sa P11B illegal drugs in 4 magnetic filters found in Cavite

Wishlist 7

Arestuhin, extradite at parusahan si Quiboloy sa sari- saring krimen kasama na ang sex trafficking, bulk cash smuggling at balitang panggagahasa sa mga kababaihang myembro ng kanyang kulto. Nabababuyan ako sa pinaggagawa niya prumiz.

Wishlist 8

Palayain si Leila De Lima at ang mahigit 800 political prisoners lalo na mga kababaihan, may health conditions at matatanda. Nagpapahayag lang ng saloobin o lumalaban lang sila sa mga mali sa gobyerno tapos pag napikon ipakukulong.

Wishlist 9

Amyendahan ang Anti- Terror Law at buwagin ang National Task Force to End Local Communiat Armed Conflict. Paki-google na lang po ang red-tagging spree nila, dun sila magaling. Hindi naman mabubura ng red tagging ang mga rebelde kung hindi naman nilulutas ang mga tunay na ugat ng kahirapan sa Pilipinas.

Wishlist 10

Tapatan ng water cannon ang panggigipit ng China sa mga mangingisdang Pinoy tulad ng ginagawa ng Vietnam at iba pang bansa na may claims sa South China Sea.

Itaguyod ang independent foreign policy pero gamitin ang resources ng US at iba pang allies para sabayan ng naval exercises ang pagmimina ng langis sa West Philippine Sea.

Wag payagan ni Marcos Jr na ang billionaire crony niyang si Enrique Razon ang bumili ng Shell stakes sa Malampaya na wala namang technical expertise.  

Iutos ni Marcos Jr na Philippine National Oil Company na ang mag-take over ng Malampaya operations para rekta na sa kaban ng bayan ang punta ng kita riyan kahit pa ilang taon na lang at mauubos na ang reserba. 

Wishlist 11

Bayaran ng Marcoses ang P203 bilyon utang na buwis sa BIR imbes tumawad pa, the gall.

Aminin at humingi ng tawad sa mga naging krimen nila sa madlang pipol lalo na nung panahon ng tatay na diktador.

Bawiin na ang Maharlika Investment Fund bill.

Makonsensya naman kayo sa bayang naghihirap tapos pagnanakawan nyo na naman with that wealth fund.

Ituloy ang peace process, nakakapagod na minsan ang bakbakan sa kanayunan.

Aminin na namili ng bilyon-bilyong pisong boto at nandaya sa eleksyon.

Para talaga ma-redeem ang pangalan ng tatay na diktador – the Marcoses left the Palace.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]