Weird Comelec rules

MAGRERETIRO sina Comelec Chair Sheriff Abas, commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr. ngayong araw, February 2, na dapa ang integridad at kredibilidad ng poll body.

Hindi na usapin ang disqualification ni Marcos Jr., dahil disqualified talaga siya base sa facts, laws, at perception ng mga ka-Publiko. In short, moot at academic na yan, as in disqualified si Marcos Jr., period.

Kahit perception lang, talo na sa laban si Marcos Jr. Parang bangga ka sa pader pag perception ang pag-uusapan, totoo man o hindi.

Scenario ko riyan:

Palulusutin si Marcos Jr. na tumakbo, mananalo siya sa pamamagitan ng pandaraya, maniobra at brasuhan, saglit na uupo sa Palasyo para may “poetic revenge” para sa pinatalsik na diktador na tatay. Ang dulo ng grand design – bababa desisyon na disqualified siya para umupo na ang talagang target — Inday Sara.

Exciting malaman ang huling pasabog ni Guanzon ngayong last day niya na for sure, sasamahan ng mga taong naniniwala at sumusuporta sa kanya at magpoprotesta sa Comelec.

Ang talagang usapin dito ay ang sistema ng eleksyon, patronage politics, away at palitan ng ruling elite kung sino ang maghahari-harian sa bansa.

Ginagamit nila ang kapangyarihan ng mga incumbent na mag-appoint ng Comelec commissioners, diktahan ng mga senador, pulitiko.

Promise, nawi-weirdohan ako sa ilang election rules dito sa Pilipinas.

Ruling man yan ng Comelec o Supreme Court sa election cases, lalabas na mga bago o pirming batas pa rin yan na dapat sundin sa bansa natin.

Una, kailangan talagang February 2 ang retirement day ng mga commissioner?

Kung kelan tumitindi ang dami ng gawain tatlong buwan bago ang botohan sa Mayo?

Preparations pa lang, nasasagad na sila sa trabaho, tapos marami pang kasong reresolbahin.

Anti-climactic, wala sa hulog, nakaka-dislocate at subject sa political opportunism.

Tapos biglang isasalang ang bagong appoint sa kalagitnaan ng election period na walang alam sa election laws, dynamics o galawan sa ahensya dahilan para bumagal ang trabaho gayong malapit na halalan.

Di ba pwedeng baguhin ang mandatong date ng retirement February 2 ng bawat taon.

Dapat gawing minimum six to maximum of eight years ang tenure ng commissioners para may consideration na mag-retire isang taon bago ang susunod na eleksyon nang hindi ako nai-stress sa inyo. Lol!

Sa ganitong paraan, magagamit ang expertise at pusisyon n’ya sa mga kasong hinahawakan pagdating ng botohan sa resolution.

Haay naku wag pahirap sa mga commissioner at wag paasa sa mga taong naghihintay ng desisyon.

Pangalawa, hindi binibilang ang boto ng commissioner na naabutan ng kanyang pagreretiro ang isang kaso na wala pang resolution on or before February 2.

Wutda… naman talaga o.

Isinali-sali n’yo sa proseso ng pagreresolba sa kaso, pinag-aralan n’ya ang merits, ibangga sa mga naunang desisyon o karanasan, tapos biglang etsapwera sa botohan dahil biglang nagretiro. Wow, bekenemen.

Kahit na may dating desisyon ang Korte Suprema na pinipirmis ang hindi pagsama ng boto ng nagretirong commissioner sa botohan ng ginawang desisyon, pwede naman baliktarin ng SC ang naunang desisyon. Paratin naman binabaliktad ng Korte Suprema ang sarili niyang desisyon.

Simple lang gusto ko mangyari noh – isama ang boto ng commissioner na magreretiro sa anumang kaso na dedesisyunan ng Comelec divisions kung kasama naman siya sa nagproseso.

Mas may wisdom pa kaya ‘yan.

Pangatlo, hindi raw makikialam ang Comelec lalo na si Chair Abas sa bangayan nina Guanzon at Aimee Ferolino.

So may ganern pala.

Baka meron akong hindi alam sa mga ganyang sitwasyon pero sa akin, for urgent action ito at hindi ba kasama sa mandato yan ng Comelec chair?

Issue of national importance ito dahil disqualification case ng magnanakaw at sinungaling na presidential candidate Marcos Jr. ang pinagdedesisyunan.

Ano pa silbi ninyo – inidoro.

Pag pinanghawakan nila yan, hinahayaan nilang lalong mawasak ang integridad at kredibilidad ng komisyon.

Magmumukhang binayaran din sila ni Marcos Jr mula sa mga perang ninakaw sa bayan ng namatay na diktador.

Uy, kumu-conspiracy theory:

Duterte, rockstar na senador, COMELEC, Korte Suprema na pawang mga tao ni presidente nyo.

Oi COMELEC, gagawin n’yo pang markado ang kasong ito sa kasaysayan dahil nagpabaya kayo sa trabaho n’yo. Wala nang maniniwala sa inyo, pinasisingkit n’yo mga mata ko eh. Hayahay kau.

Dapat sa mabibigat na usapin, makikialam ang Comelec chair para desisyunan ng komisyon.

Kung wala pa yan sa patakaran ng Comelec, isama n’yo na, makinig kayo sa tulad kong botante kung gusto n’yong maging famous at mag-trending.

Diskartehan n’yo yan, wag n’yong panginigin ang laman ko sa galit. Lol!

Good luck kay Guanzon at mga ka-Publiko!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]