Wag buraot, may Covid pa

PARTY dito, pasyal doon.

Gimik ngayon, walwal araw-araw.

Hanep, normal na normal ang galawan.

Ilang tumbling na lang, bagong taon na.

‘Wag ganun.

FYI, lalo na sa mga loaded dyan sa cocaine, may COVID-19 pa. As in nanganak pa nga ng bagong variant- ang omicron.

Ayon sa DoH, apat na ang kumpirmadong may Omicron dito sa Pilipinas as of Monday, December 27, 2021.

Bantay sarado pa yarn.

Isang buwan mula nang pumutok ang Omicron sa South Africa noong November 24, parang kidlat itong kumalat sa 108 na bansa, sa tala ng World Health Organization.

Pinakamaraming Omicron infections sa UK, US, India at Germany.

Sa report ng tracking website, Flightware.com nitong Sunday, December 26, 2021, mahigit
7,000 flights ang kinansela dahil sa takot sa Omicron nitong Christmas weekend.

Segue dito sa Pilipinas, umasta na naman ang banta ng panibagong bugso ng bakulaw na Covid cases – take note, hindi Omicron yan.

At ang mga Kapubliko, pati mga bata – makikita mong walang masks sa kalsada, mall, palengke.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nito ring Lunes, Dec. 27, umakyat ng halos kalahating porsyento o 49% ang dami ng Covid cases. Minimal risk pa ang lagay na yan.

Lima sa walong lugar na winarningan ng DoH sa pagtaas ng infection rate ay nasa NCR- San Juan, Las Piñas, Maynila, Makati at Parańaque.

Ang natitirang lugar na may bahagyang pagdami ay Apayao, Davao de Oro at Davao del Sur.

Babala ng Octa Research, kung nung unang linggo ng December ang may pinakamababang reproduction rate o nahahawaan ng Covid cases ay nasa 0.33, tumalon ito sa 0.85 matapos ang Pasko.

Kahit na ba hindi pa ito big deal, hindi dapat maging kampante.

Kung ipa-factor in ang mga sumusunod, aba’y hindi dapat tayo papetiks-petiks mga Ka-Publiko:

Ang positvity rate sa NCR na .70% noong Dec 12-18 ay umakyat sa 1.5% sa Dec 19-25 period.

Nabawasan ang testing center/s dahil sa bagyong Odette at Kapaskuhan.

Posibleng dumami ang nahawa dahil dumami at dumalas ang mga Christmas parties, pasyalan, shopping, reunions, etc.

Ibig sabihin, hindi pa buo ang big picture dahil kulang pa ang datos na pumasok. Hintay-hintay muna ang peg.

Huwag naman sana, na pagpasok ng January 2022, ay magimbal tayo sa pagsirit ng covid infections.

Ang problema, may mga lider na promotor pa sa mga party-party gaya ni Marcos Jr.

Paano pa kung naging presidente ka.

Aysus, kapal the face..

Pati si sister, di napigilan at nagpa-party na may kantahan pang bagong lipunan.

Back to happier days ba Imee?

Teka lang, mag-transforn ako into your worst nightmare!

Gigil ako.

Nabubuhay sa mga kasinungalingan, nakaw na yaman, nagdaang mga patayan at panloloko sa mga uto-uto.

‘Wag nyong hintaying kumawala ulit ang galit ng taumbayan.

Sa mga pasaway na madlang pipol at lider-lideran dyan – wag po tayong buraot. Sundin pa rin ang health and safety protocols.

Wag nyong sabihing hindi ako nagbabala.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]