GMA NEWS EXCLUSIVE, Jan 29/26
MMDA Chair Nicolas Torre III, nagbisikleta patungong Pasig para makita ang kalagayan ng bike lanes at isulong ang kanyang road sharing advocacy.
* Menor, menor Manong para hindi ka biglang palitan.
***
INQUIRER, January 28/26
COMELEC Chair George Garcia: Yung mga botante na hindi pumili ng tamang lider ang dapat sisihin sa kaguluhan sa bansa
MISS Philippines Earth 2025 Joy Barcoma: Bakit hindi baguhin ang qualifications ng mga kandidato para kahit sino’ng piliin, eh hindi tayo parang circus
* ME: Baka hindi qualifications o bobotante ang problema Miss, baka ang problema e, kahit talo ang isang kandidato, pinapanalo ng COMELEC.
***
NEWSWATCH Plus Ph, Jan 30/26 Kung ang Supreme Court pwedeng galawin ang Constitution, dapat galawin na namin, kami ang empowered to do so – Sen Pres Tito Sotto
* Pres naman, di ito patawa, di ba ang mga bagong interpretasyon ng batas, legal doctrine, o patakaran na nabubuo ng Supreme Court sa kawalan ng batas na umiiral ay kinukunsiderang mga bagong batas?
***
Ano’ng tawag sa Senador na mas masigasig pang ipagtanggol ang China kaysa soberenya ng Pilipinas?
* Sagot ng IMPACT PH: TSINAdor
E, Sino naman ang Congressman na sipsip at bayaran ng China?
ME: Chinongressman – Booo! Waley!
***
SUPREME COURT affirms dismissal of impeachment complaint against VP Duterte – Jan 29/26
* Penge nga 10 PAKE riyan: tatlong plunder cases na ang isinampa vs Sara at nakaabang na ang pangalawang impeachment case sa kamara ***
CHINESE EMBASSY sa Pilipinas inakusahan si PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela ng pag-atake at paninira sa China. Ito’y matapos gumamit si Tarriela ng caricature ni China Pres Xi Jinping. Nakakababa raw ng dignidad.
* Saang kweba ba ipinanganak si Chinese Embassy spokesman Li Jingpeng at natrigger ng cartoon ni Xi? Wala man lang sense of humor. Or wala lang talagang press at artistic freedom sa China?
***
DECCAN CHRONICLE, Jan 22/26
China Rejects Offer to Join Trump’s Gaza Board of Peace, sabay sabing committed ang China pangalagaan ang kapayapaan sa pangunguna ng UN, pandz aigdigang kaayusan batay sa international law at mga prinsipyo ng UN.
* Look who’s shitting, ay, talking pala! Aba’y rebyuhin kaya ni Chinese Pres Xi ang mga video kuha ng PH media at ng PCG:
Sino ba nahuling sumalakay at nagtagpas ng daliri ng Philippine Navy, nag-water cannon ng maraming beses, nagpakawala ng military grade laser, nagwasak ng yamang dagat sa West Ph Sea, nananakit ng mga mangingisdang Pinoy sa sarili nitong teritoryo at sino ang nagpapakawala ng rocket sa airspace ng Pilipinas kahit wala naming dahilan?
Wag nyong pinasisingkit mga mata ko, umayos kayo!


