SUMAMBULAT nitong Martes, October 19, 2021 ang balitang nagsabwatan sina Energy Secretary Alfonso Cusi, Udenna at Phoenix Petroleum owner Dennis Uy, at 24 iba pa, kasama ang Chevron Philippines officials para kornerin ang bentahan ng Chevron shares sa Malampaya Gas-to-Power Project pabor kay Crony Uy.
Kung pagbabasehan ang sumbong, may hokus-pokus sa bentahan ng Malampaya Project shares at rights na lugi lang naman ang gobyerno ng P21 to 42 billion.
Sabi ni Atty. Rico Domingo sa media briefing, kinasuhan ng kanyang kliyente na geologist, Balgamel Domingo, ang sabwaters sa Ombudsman Iloilo.
Kasama rin sa nagdemanda ng violation ng RA 3019, Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina Rodel Rodis at Loida Nicolas Lewis.
Sa kanilang 48-page complaint, nagsabwatan sina Cusi at iba pa sa pagbenta ng Chevron ng kanilang 45% shares at rights sa Malampaya pabor sa mga kumpanya ni Duterte crony, Dennis Uy – ang Udenna Corporation at subsidiary na UC Malampaya.
Imbes na gobyerno mismo ang bumili, nagpabaya at pinabilis pa ni Cusi ang bentahan maski alam niyang wala itong approval ng DOE.
Hindi rin tiniyak ni Cusi na may legal, technical expertise at financial capability ang Udenna at UC Malampaya ni Uy para saluhin ang mga obligasyon ng Chevron.
Wala ring experience ang Udenna sa exploration, extraction at production ng gas.
Hindi rin naglabas ni pisong duleng ang Udenna sa pagbili ng Chevron shares na US$565 million.
Nilabag din ng transakyon ang Malampaya service contract na dapat may approval ng DoE batay sa PD No. 87.
Mula nang nagnegosasyon ang Chevron at UC Malampaya noong April 2019 hanggang magsara ng deal noong March 11, 2020, walang DoE approval.
Ang kaduda-duda, nabuo ang UC Malampaya noong September 1, 2019, pero hanep, mas nauna itong nakapagtransakyon noong April 30, 2019.
Malinaw, ang transakyon ay ilegal kaya dapat null and void ito.
Dapat daw, gobyerno sa pamamagitan ng PNOC-EC ang bumili ng Chevron shares sa Malampaya. Kaso si Cusi rin ang chair ng PNOC-EC. Talagang bakod na bakod ng administrasyon ang negosasyon.
Mga ekspertong halimaw na magnanakaw lang na may kapit sa presidente ang makakagawa ng ganyang transaksyon.
Kung natatandaan nyo galit na nagngangawa at bubuwagin daw ni Duterte ang oligarchy at crony para lang bumuo siya ng bagong oligarchy at crony.
Pinakamabangis na rito ang bait-baitan na si Dennis Uy, 45 years old third-generation Chinese-Filipino mula Davao del Norte at anak ng mag-asawang mangangalakal sa copra, mais at saging.
Itinayo ni Uy ang Phoenix Petroleum hanggang lumago ito at kayang tumapat sa Chevron.
Pagdating ng 2016, si Uy ang number one campaign donor ni Duterte.
Mula noon, kaliwa’t kanang namili ng mga negosyo si Uy na parang kendi – convenience stores, digital star-up, casino franchise, bakery chain, water utility at maski Ferraro dealership pinatulan.
Bago maging presidente si Duterte, tatlong kumpanya lang hawak ni Uy.
Ayon sa Dow Jones research, pagdating ng 2019, CEO, chairman o director si Uy ng 27 kumpanya at nag- 22nd place sa Forbe’s Richest Filipinos.
Nasemento na ang paniniwala ko na lodi nga ni Bakulaw ang diktador na si Marcos.
Lahat ng meron, ginagawa o asal hayup ni Mokmok, tinatapatan kundi man hinihigitan ni Demonyo:
Mamamatay-tao to the nth time, tuta ng dayuhang twekwatog to the 10th power, mapanupil sa malayang pamamahayag at pokpok sa pagbenta ng likas-yaman ng Pinas at madlang pipol to the 13th square.
Hindi lang niya ipinako ang mga pangako niya sa mga tao, ibinaon pa niya sa trilyon-trilyon utang ang sambayanan.
Di man ganun karami ang Duterte cronies, pakyawan naman sila sa kadupangan. Lumilider-lideran dyan si Uy, damunyo talaga.