Tunay na tulong

SA latest vlog ni Marcos Jr. tinanong siya sa legacy na gusto  niyang iwan bilang lider ng bansa, ang sagot niya: “Hindi natin masyado iniisip yang legasiya na yan dahil sa dami ng ating kailangang gawin ay trabaho lang muna.” 

Nice naman.

Sabi pa nga niya,

“Kapag maganda naman ang ating magagawa, yan ang legasiya at hindi naman dapat isipin, ginagawa ito para maalala ako. Hindi, ginagawa natin ito para makabuti at makatulong sa ating taumbayan.” 

Humble.

Kasunod niyan, hirit niya,

“Yan ang aking legasiya, na kapag wala na ako, sana maalala ako na ‘siya’y talagang tumulong sa pangkaraniwan na taong Pilipino.”

Superb na sana, kaso,  ano ba talaga, ang sabi mo hindi iisipin ang legacy kundi trabaho lang.

Courtesy of ABSCBN-TV Patrol.

Legacy man o hindi, magandang hikayatin at suportahan dyan si Marcos Jr.

Ito’y habang maaga pa,  habang isang taon pa lang siyang nanunungkulan at  hangga’t marami pa siyang pwedeng maituwid sa mga sabit na ginagawa niya at pwede pa siyang makaTULONG ng TOTOO sa taumbayan.

Naglista ako ng mga bagay na tunay na sa tingin ko ay makatutulong sa pangkaraniwang Pilipino:

  • I-veto mo ang Maharlika Investment Bill. Problematic masyado. Hindi yan ang urgent na kailangan sa panahong nagtaasan ang mga presyo ng bilihin, mababa ang sahod, maraming jobless at walang makain.
  • Isoli nyo ang natitirang P125 billion ill-gotten wealth.
  • Bayaran nyo na ang P203 billion estate tax liabilities nyo.
  • Gamitin mo ang total of  P328 billion na isosoling ill-gotten wealth at estate taxes para palakihin ang produksyon ng mga magsasaka sa palay, asukal, gulay, sibuyas at iba pa.
  • Bawiin ang service contract no. 38 na inextend ang Malampaya operations ng Enrique Razon company Prime Infra at Dennis Uy firm, Udenna na nung isang taon ay nakahamig ng P70B nang wala nang pinuhunan mula sa bulsa.
  • Ipaubaya sa Philippine National Oil Company ang operations ng Malampaya. Yan ang legit at may impeccable na higit tatlong dekada ng technical experience/ expertise na wala sina Razon at Uy.
  • Partihan mo sa kikitain sa Malampaya ang oil subsidy para sa taumbayan lalo’t magbabawas ng petroleum production ang Saudi na magpapasipa ng taas presyo sa langis. 
  • Para sa long-term, pondohan mo nang malaki mula sa Malampaya Funds ang exploration, development at commercial production ng panibagong gas field, renewable energy tulad ng solar power, ocean o tidal wave, wind at hydropower na infinite resources sa Pinas at geothermal na sagana ang bansa at pangatlong nagpo-produce sa buong mundo.
  • Taasan pa ang budget sa paglaban sa climate change na dahil sa Supertyphoon Yolanda devastation, naging icon ang Pilipinas. Tahanang matibay sa walang tirahan. Kabuhayang tuloy-tuloy.
  • Regular na trabaho, ipahinto mo ang contractualization na hindi tinulad na pangako ni Digong Duterte.
  • Mula sa Malampaya funds, buhusan mo ng pondo ang science and technology para makapag-imbento, magdiskubre ang Pinoy scientists ng mga bagong technology at machineries na susi sa pagpapau lad ng bansa.
  • Hayaan mong mag-imbestiga ang International Criminal Court sa mga patayan sa droga nung panahon ni PDuts dahil karamihan sa biktima ay pangkaraniwang mamamayan.
  • Umalis ka na sa pwesto bilang agriculture secretary para matutukan mo ang pamamahala ng Pilipinas at pamamasyal sa iba-ibang bansa, lol.

Ikaw lang kasi ang presidente-cum-agriculture secretary na sunud-sunod ang food shortages at nagkaron ng smugglers/ hoarders/ profiteers festival sa Pilipinas. 

‘Yan na lang muna mga naisip kong suggestions. 

Madaling sabihin pero mahirap gawin dahil marami kang isusuko at kompromisong gagawin sa pansarili at sa pulitika.

Sa darating na State-Of-the-Nation-Address mo sa darating na July at sana mapag-aralan at maisama mo yan, hoping against hopelessness.