NAPANSIN n’yo ba?
May nakakapanibago sa ilang policy speeches at galawan ng Marcos ruling elite nitong recent months.
Tatlo riyan ang major, major pagdating sa impact ng mga stand niya sa Philippine criminal justice, peace and security, at territorial integrity:
International Criminal Court (ICC), peace talks sa NDF at West Philippine Sea (WPS).
Nag-offensive ang house ng resolution na makipag-cooperate ang Pilipinas sa investigation ng ICC sa drug war ni Duterte – deadliest at pinakakarumal-dumal sa kasaysayan.
Una, ang Makabayan block nung October at sinundan nitong November nina Representatives Benny Abante at Ramon Gutierrez. Sa senate, nag-file din si Sen. Risa Hontiveros.
Ibig sabihin, pag pumasa sa dalawang chambers, magbubukas ito ng possibility na ipaaaresto si Duterte, Bato, at iba pa para makadalo sa hearings.
Pero pinataob ang resolutions na yan ng malakas na statement ni Marcos Jr na “under study” ang pagbabalik ng Pilipinas sa ICC.
Umalma agad ang mga Duterte, habang si Bato, ibinida na kinausap daw si Marcos Jr at happy raw siya sa kanilang naging usap. Ang kapatid namang si Imee, nag-mema lang.
November 23, nagkaron ng concensus ang Philippine government at National Democratic Front na ipagpatuloy ang peace talks, inanunsyo yan ng Malacañan nung November 28.
Ayon sa Presidential Communications Office, 2022 pa may informal meeting ang dalawang partido sa Netherlands at Norway.
Umalma rin dyan si Inday Sara at sinabing “agreement with the Devil” ang desisyon, December 4.
Kaso nilampaso naman si Sara ng supermajority ng house na nagbuo ng united front at nagkaisa sa isang manifesto ng suporta kay Marcos Jr. December 5.
Talagang bawat policy statement ni Marcos, kinokontra ni Sara na binubutata naman agad ng kamara at pati ng senado.
Isa pang kapansin-pansin sa policy shift ng Marcoses ang matigas na paninindigan niya sa Chinese aggression sa West Philippine Sea.
Kung iintindihin ang sunod-sunod na sinabi nya, talagang solid ang hataw vs China, matatapang ang statements.
Pinakahuli na nga yung December 9 and 10 weekend attacks ng China sa BFAR resupply mission, at Philippine Coast Guard (PCG) vessels
Maging ang unang civilian-led Christmas Convoy Supply mission December 10 sa frontliners at fisherfolk communities sa WPS, shinadow at hinarangan din ng Chinese vessels.
December 10, agad pumusisyon si Marcos Jr – hindi natitinag ang Pilipinas sa panggigipit at pang-aabuso ng China.
Handang protektahan ng Pilipinas ang teritoryo nito sa West Philippine Sea.
“The aggression and provocations perpetrated by the Chinese Coast Guard and their Chinese Maritime Militia against our vessels and personnel over the weekend have only further steeled our determination to defend and protect our nation’s sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea,” pagbibigay diin ni Marcos sa isang pahayag.
Sinabi pa niyang illegal at dangerous and galawan ng China base sa international law.
Bagay na lalong nagpapataas ng moral sa mga sundalo at nagpatibay ng suporta ng taumbayan sa administrasyon.
Remember, nang halos ipamigay ni Digong Duterte ang WPS sa China, masama ang loob ng military at coast guard frontliners.
Sa panahon ni Digong Duterte, may common denominator ang tatlong strategic issues na yan- kumalas o umatras siya.
Worse, ginamit ni Duterte ang pagpapabaya niya sa WPS at nakipag-alyansa China para pakinabangan ng kanyang hometown sa Davao ang Chinese aid at investments.
After mangako nung 2016 presidential campaign na sasakay siya sa jetski para itayo ang bandila ng Pilipinas sa man-made islands na okupado ng China, binawi niya ito at sinabi sa kanyang May 3, 2021 address na hindi siya nangakong babawiin anh WPS sa China. “Bravado” lang daw nya iyon, “pure campaign joke.”1
Di ba switik. Hari ng budol
Worse, imbes PNOC ang bumili at taumbayan ang makinabang, binenta pa nila ni ex-DoE Secretary Alfonso Cusi ang Shell at Petron shares ng Malampaya sa campaign donor at crony na si Dennis Uy.
Kayo ba naniniwalang bayad utang lang ang gesture na yan?
Ireregalo ba nila yan kay Uy nang walang lagay o parte sa kikitain?
Noon namang November 23, 2017, sa mga paulit-ulit na dahilan na mga sinasabing ceasfire violations, officially na tinerminate ni Duterte ang peace talks sa mga rebelde sa bisa ng Proclamation 360.
At noong March 17, 2018, formally notified ni Duterte ang United Nations na bumabaklas na sa Rome Statute ng ICC ang Pilipinas.
Ito’y isang buwan matapos ianunsyo ng ICC Office of the Prosecutor nung February 8, na sinimulan nila ang preliminary examination sa kanyang drug war.
Sa pusturang positibo na pananaw at mga kilos ni Marcos Jr sa ICC, peace talks at West Philippine Sea, ano ang mga pinaghuhugutan niya?
Open na nga ba si Marcos Jr, meaning seryoso ba siya, o may ulterior motive?
Sa ICC, lumalaro lang sila sa pulitika, nagbabanta, nananakot para i-neutralize ang mga galawan ng Dutertes patungong 2028.
Sa peace talks, nagpapa-pogi points lang gayong binansagang terrorist organization ng US ang Communist Party of the Philippines / New People’s Army (CPP/NPA) nung August 9, 2002.
Gugustuhin ba ni Marcos na galitin ang amo niyang US pag tuluyang magkasundo ang dalawang parties?
Ang paniniguro ng US at mga alyadong bansa nito tulad ng United Kingdom, Australia, Japan at maging ang European Union na susuportahan at ipagtatanggol nila ang Pilipinas laban sa China, ang pinaghuhugutan ni Marcos Jr ng tapang at tatag na labanan ang increasing Chinese aggression sa WPS.
Pinagtibay ang hugot niyang ito ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na pinalawak pa, o dinagdagan ang sites, kung saan ilan dito ay inalapit pa sa Taiwan para asarin ang China.
Sabi rin niya dati, babaguhin niya ang imahe ng pumanaw na ama at dating diktador na si Marcos Sr.
Pero hanggang ngayon, hindi inaamin ng Marcoses ang human rights abuses nung dictatorial rule; imbes isoli, hinaharangan ng Marcoses ang multi-bilyong dolyar na ninakaw nila sa bayan; nandaya pa nung eleksyon at tinulungan ng US na makabalik sa Palasyo.
Maski ang Shell stakes sa Malampaya ay ibinenta ni DoE Sec Popo Lotilla at Marcos Jr sa kanilang crony na si Enrique Razon, inulit lang ang maling ginawa ni Duterte kay Dennis Uy.
Kung ang mga mabibigat na usapin na yan ay hindi maharap ng Marcoses, nagmumukhang pinapadama na naman ang sambayanang Pilipino. Paasa.
Kung gusto ng taumbayan na magtagumpay ang peace talks, ang laban sa Chinese incursions at mabigyan ng hustisya ang higit pitong libong pinagpapatay ng Duterte administration noon, dapat magkaisa ang lahat ng apektado at sumusuporta, para sama-samang i-push ang tatlong agenda na yan hanggang sa huli.
Meron nang namumuong malawak na pagkakaisa para sa peace talks, pumalaot na ang makasaysayang citizen action sa kanilang successful supply at gift-giving mission at assertion sa WPS, at may push na bumalik ang Pilipinas sa ICC.
Kailangan mag-snowball ang suporta at magtuloy-tuloy hanggang maipanalo para matuldukan na ang malalim at masalimuot na mga problemang ito ng Pilipinas.