Taya na o Tataya ba?

MAY nangangamoy sabong ang mga “de kalibreng manok” ng Mindanao bago pa man mag-eleksyon.

Ang isa, world-class at legendary na boksingero ng GenSan at ang isa naman, world-infamous notorious killer ng Davao. Wtf.

Excited na me.

Kanino ka pupusta?

Sa pa-good vibes o sa pa-badass?

Ang isa terror sa ring at ang isa naman, horror sa Palasyo. Lol!

Pero parehong nagdedeliver.

Ang isa, ilang world division titles na nga ba? Let me count the wins in random:

Welterweight 2009, Featherweight 2003, Junior Welterweight 2009, Junior Middleweight 2010, Junior Featherweight 2001, Lightweight 2008, Flyweight 1998, at Junior Lightweight 2008. Maraming TKO at KO.

Ang isa naman, I cannot count the losses in lives. RIP.

As per official or PNP record, higit 6,000 tokhang victims.

As per Lindsay Murdoch ng The Sidney Morning Herald – higit doble o 12,000 sa unang 14 months pa lang. Merong pumapartida.

Si pambansang kamao, malinaw ang galawan – tapatan.

Si pambansang tatay – malabo ang galawan – tapatan at trayduran. Pati mga inosente at walang kalaban-laban, dedo sa DDS. Wag-du. Ga-du. Higado:)

Ang isa, may worldwide fans’ clubs habang ang isa, internet-wide trolls lang naman.

Ang isa legit, pero ang isa -legit na illegit. Lol

Ang pambala ng pambansang kamao – corruption sa gobyerno.

Ang panlaban naman ng ka-DDS, kuda, porma at sinungaling ang kaalyado.

Ang isa, God-fearing kuno.

Habang ang isa, God damn it. LMAO.

Pero mind you, tabla sila sa death penalty, kagalingan ng OFWs, atbp.

Sa isang hagod – malawak, malalim, maiitim at mapamaslang ang work experience ni presidente meyor.

Habang limitado lang sa sports si legend. Marami pang kakainin sa paggogobyerno at pulitika. Ikaw na ang naging top Senate absentee.

Nangangamoy sabong nga, pero pati tayo gustong isama sa laro nila.

Walang itulak kabigin.

Parehong mana-knock out ang bayan.

Beware, wag magpaka-stupid kahit kanino. Esep esep.

Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]