Sa kanilang 2020 audit report, ibinulgar ng Commission on Audit ang mga kwestyunableng paggamit ng P70.6M pondo ng PCOO at hindi authorized na pagdeposito ng P1.8B pondo ng AFP sa 20 bank accounts.
Mga institusyon kayo ng gobyerno na ilang dekada nang nag-ooperate at taunang ino-audit, palpak pa rin sa pamamahala ng pera ng bayan?
Baka naman…
Nabuking ng COA, umupa ng 375 contractuals ang PCOO at dinescribe ito na unrestricted at massive.
Ibig sabihin, walang kontrol at maramihan. Katunayan, mas marami ng 260 percent sa regular employees na 144.
Hindi maintindihan ng COA ang pangangailangan ng PCOO na mag-hire ng Contract of Service (COS) personnel at kulang-kulang ang documentation sa disbursement vouchers.
Hindi rin nag-reflect sa COS accomplishment reports ang naging trabaho ng bawat isa.
Kaduda-duda to the max.
Ano pang tawag dyan sa mapagpanggap na COS personnel kundi trolls.
Sino-sino ba yan?
Ginagamit ang pondo ng bayan para magkalat ng mali-maling impormasyon at paninira sa mga kritiko ng Duterte administration.
Gumastos kayo ng P70,688,830.39 sa mga troll imbes gamitin sa nagugutom na 4.2 milyong pamilya o 15.2 milyong katao (4.2M x 6 average family members) nitong May, 2021 batay sa SWS hunger rate survey.
Ang kalokohan naman ng AFP, ikinalat sa 20 bank accounts ang ₱1,812,797,567.87 pondo nito na inilaan para sa AFP Modernization, Educational Benefit System Office, Real Estate Office, at General Headquarters Central Office.
Kasama sa may unauthorized bank accounts ang Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at United Coconut Planters Bank, na mga government-controlled o owned.
At ang sagot lang ni Defense Secretary Delfin Lorenzana – pinoproseso na ang pagsasara ng kwestyunableng bank accounts.
Ang kailangan namin ay paliwanag bakit ikinalat ninyo ang halos P2B balanse sa iba-ibang accounts ng walang permiso ng Permanent Committee at patuloy na mini-maintain? Haay kabuset.
Sa Section 10 ng General Provisions of the Financial Year 2020 ng General Appropriations Act, ang mga balanse na yan ng lahat ng Special Accounts, Trust Funds sa General Fund na walang legal na basehan sa pagbuo, ay dapat isara.
Ang mas nakakagalit, meron palang P224,717,389.84 million Covid pandemic funds ang AFP na nakatengga.
Kasama po yan sa total na P357,871,353.46 million covid pandemic funds ng AFP General Headquarters Central Office.
Sa 150, 000 sundolo, 5, 293 medical front-liners pa lang hanggang nitong March ang nabakunahan.
Ano yun pinatutubuan lang sa mga banko ang pera para kumita pa ang mga bulsa ninyo?
Sa pinaka na, latest pa, na balita, hinahabol ng COA ang AFP sa P6.8B kontrata sa 41 projects na hindi natapos at ang PNP naman, P1.7B sa 29 kontrata ng Special Action Force na hindi rin na-deliver.
Yan ba talaga ang iba-ibang modus operandi sa “standard” na pagnanakaw ng pera ng bayan?
Kung hindi pa na-audit at binulgar ng COA, hindi natin malalaman.
Nasaan ang transparency at accountability?