NAPALITAN ng awa ang aking naramdaman makaraang hindi magsalita sa isang pagtitipon ang isang alkalde mula sa isang sikat na isla sa timog ng Luzon.
Si Mayor ay isa sa mga imbitado sa inagurasyon ng isang malaking establisimyento sa kanilang sikat na bayan.
Lahat ng mga bisita ay binigyan ng pagkakataong magsalita, bumati sa mga bisita at magpa-abot ng pagsuporta sa bagong investment sa kanilang bayan.
Nang nasa akto na sanang tatawagin si Mayor para ihayag ang kanyang talumpati ay iniabot na lamang niya ang kopya ng kanyang speech sa emcee ng programa.
Yung emcee na ang nagbasa ng dalawang pahinang speech ni Mayor na nanatiling nakaupo sa harapan ng entablado.
Noong una ay nabastusan ako sa ginawa ng alkalde dahil nandun na nga naman siya sa venue pero hindi hindi man lang ito nag-effort na kausapin ang mga bisita sa nasabing inagurasyon.
Sa aking pagtatanong ay nalaman ko na hindi naman pala binastos ni mayor ang event sa pamamagitan nang hindi niya pagbati sa mga bisita at pagbibigay ng talumpati sa event.
Nalaman ko na may speech problem si mayor dahil sa epekto ng illegal drugs sa kanyang katawan.
Yes, alam ng kanyang mga kababayan na minsan sa kanyang buhay ay nalulong si mayor sa ipinagbabawal na gamot.
Naapektuhan nito nang husto ang kanyang pananalita kung saan ay nagmistulan siyang utal dahil parang umurong daw ang kanyang dila.
Bukod dyan ay naglalaway rin sya kapag humaba ang kanyang pagsasalita.
Bagama’t ilang beses siyang sumalang sa rehab at series of therapy ay hindi na naibalik pa ang maayos na pananalita ng nasabing opisyal.
Kilala sa kanilang lalawigan si mayor dahil ilan sa kanyang mga kapatid ay nanungkulan rin bilang lokal na opisyal sa lalawigan.
Minsan ring naging laman ng mga balita ang kuya niya na dati ring pulitiko na nasangkot sa isang kontrobersyal na murder case.
Di na natin kailangan ng clue dahil sikat na pasyalan ng mga turistang gustong magbabad sa tubig ang kanyang bayan na pinaglilingkuran sa kasalukuyan.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]