NABISTO na isa rin pa lang kongresista ang nagmamay-ari o nagpapatakbo ng isang nanalong partylist group sa katatapos na halalan.
Si madam congresswoman daw, ayon sa aking spotter, ang nasa likod ng isang partylist group na medyo sikat sa kasalukuyan.
Nabisto ang katotohanan nang magreklamo ang first nominee na sinipa sa kanilang grupo.
Si Mr. First Nominee ang nagpakapagod sa kampanya, gumawa ng kanilang political plan and strategies pero nang manalo sa eleksyon ang grupo ay bigla siyang sinabihan na umalis sa pwesto.
Ito ay para magbigay daan sa isang retiradong opisyal na maupo bilang kinatawan sa Kongreso ng kanilang partylist organization.
Sinabi ng aking spotter na isang incumbent partylist representative rin ang nasa likod ng bagong partylist group na tinutukoy natin.
Ito yung matagal ko nang sinasabi na isang malaking kalokohan ang partylist representation sa bansa dahil ginagawa lamang itong palabigasan ng ilang pulitiko.
Hindi ko nilalahat dahil meron pa rin namang matitinong partylist representative ang tunay namang naglilingkod sa kanilang kinakatawang sektor.
Sinabi ng aking spotter na pondo sa komite at impluwensya sa pulitika ang dahilan kung bakit nanganak ang partylist group ni madam.
Kilala ang mambabatas na ito na nakadikit sa kung sinuman ang nasa Malacanang.
In short trapo na balimbing pa. Antabayanan ang karugtong ng kwentong ito para sa iba pang detalye ng kalokohan ng grupong ito.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]