TUMATAGINGTING na 78% approval rating ang natanggap ng Marcos administration sa performance nito sa pagresponde sa mga lugar na apektado ng mga calamities.
Ito ang lumabas sa isang performance survey na isinagawa ng Pulse Asia kaugnay sa unang 100 araw ni Pangulong Marcos sa pwesto. Tinawag nila ang survey na ‘perceived urgency of selected national issues and the national administration’s performance ratings.
Isinagawa ang survey noong September 17-21, 2022. Thirteen issues and concerns ang inilatag ng survey sa mga respondents at numero uno sa kanila ang naging performance ng administration sa aspetong ito.
Tumingkad agad sa isip ko ang mga ‘angels in red vests’ ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabilis nakasalang matapos manalasa ang lindol, matapos humataw ang mga malalakas na bagyo, mga sunog, mga baha, at mga giyera.
Nagsimula ako bilang undersecretary ng DSWD noong July 1, 2022 matapos ma-appoint ni Pangulong Marcos na tumulong kay Secretary Erwin Tulfo, kitang-kita ko kaagad ang mga kakaibang liwanag at maaliwalas na mga kawani ng DSWD sa Central Office sa Quezon City at lalo na sa mga DSWD regional offices.
Bukod sa mga natural disasters and man-made calamities, naalala ko rin yung mga “angels in red vests” na nag-aalaga ng mga vagrants and indigents, yung nag-aaalaga sa mga lolo at mga lola, yung mga nag-aasikaso sa mga bata at mga kabataan na naisalba mula sa iba’t ibang sakuna ng buhay, yung mga nagpapakain sa mga sanggol na inabandona, sa mga nag-momotivate sa mga batang kababaihan na biktima ng rape at iba pang mga violence na makapag-move on, yung mga umaalalay sa mga may sakit at bed-ridden na mga inabandona, yung mga rumeresponde at sumasaklolo sa mga kababayan natin naipit sa gitna ng mga barilan at patayan sa mga kanayunan, yung mga naghahatid ng pera at mga donasyon sa mga liblib na mga lugar at yung mga namamahagi ng pagkain at food relief packs.
Kaya naman hindi nakakapagtataka na matingkad talaga ang DSWD’s “angels in red vests” kung pag-uusapan ang ang pagresponde sa pangangailangan ng mga tao sa mga lugar na apektado ng kalamidad ng administrasyong ito.
Malaking bahagi ng tagumapy na ito ng mga “angels in red vests” ang pamumuno ni Secretary Erwin Tulfo sa ahensya. Mataas na performance level ang pinakikita ni Secretary Tulfo sa liderato niya sa DSWD kaya naman aligaga ang lahat na tumalima at pag-level up din kaming lahat. Shoutout sa iyo Boss! Baka naman…
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]