Site icon Pinoy Publiko

Sex education at sila na malisyosong mag-isip

My POV

MAY mali nga ba sa isinusulong na Adolescent Pregnancy Prevention Bill o ang  SB 1979?

Mali ba na ituro sa mga bata ang tamang paraan para maiwasan ang maagang pagbubuntis?

Mali ba ang sex education?

Hindi. Hindi mali ang pagtuturo ng sex education. 

Hindi mali na ituro sa mga bata ang tamang body anatomy.

Ang mali ay ang pagkakaroon ng malisyosong pag-iisip hinggil sa sex education.

Kasi naman, pag sinabing sex education, ano ang pumapasok sa isip ng mga malisyosong tao? Ano pa kundi ang pagtatalik. 

Literal na sex lang ang iniisip.

Sabi ng mga umaayaw sa SB 1979, hindi raw akma sa ating kultura ang ibang probisyon na nasa panukalang batas.

Ang kinukwestiyon nila ay ang pagtuturo raw, umano, sa mga batang mura ang edad ang pag-masturbate.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, wala sa kanyang panukala ang ganitong probisyon. 

Sino kaya ang nagkalat ng maling impormasyon?

Tapos, yung false information pa ang pinapaniwalaan ng mga tao. Hindi na talaga tayo uusad nito kung laging maniniwala sa mga fake news.

Sa totoo lang, kaya malisyosong mag-isip ang mga tao dahil sa maling akala. Sa totoo lang, kaya hindi pinag-uusapan ang sex sa bahay dahil bad daw ito at dapat ay sa loob lang ng kwarto ito pinag-uusapan at sa pagitan ng mag-asawa.

Paano malalaman ng bata kung tama o mali ang sex kung hindi ito ituturo sa bahay man o sa paaralan.

Mas gusto ba ng mga magulang na sa pornographic sites sa Internet matututo ang mga bata? Aba, mas malala ito.

O malaman sa kaibigan o ka-eskwela ang tungkol sa sex? Gayung pare-pareho silang walang alam? 

O gawing eksperimento ng bata ang sex.

Dito ngayon papasok ang maagang pagbubuntis. Unwanted pregnancy. 

Dahil kulang sa kaalaman, ang inakalang tama ay mali pala. 

Akala ko ba woke na ang mga tao ngayon? 

Ang dagdag na kaalaman hinggil sa anatomiya ay makatutulong para sa matalinong desisyon.

Kung hindi hahaluan ng malisyosong pag-iisip, hindi masama ang sex education.

Exit mobile version