MADALAS banatan ng mga tao ang klase ng mga serbisyong ospital sa Pilipinas.
Hindi naman maiiwasan yan dahil marami namang kakulangan ang mga ospital, primary man tertiary, city man o national.
Pero sabi nga it takes one to know one.
Bata pa lang ako, kinalakihan na namin sa Maynila ang magpatingin sa Philippine General Hospital (PGH), San Lazaro Hospital at paminsan-minsan, Ospital ng Maynila, depende sa sakit, at kung gaano kaseryoso.
Meron namang Health Center sa amin sa Sampaloc pero hindi pa focused noon ang gobyerno sa basic health services sa grassroots kaya mas kampante ang mga tao na dumiretso sa ospital.
Kahit saang ospital noon mahaba na talaga ang pila. Dama na kulang ang mga ospital, pati doktor at nurses kahit di pa ganun karami ang populasyon.
Ganyan din naman ngayon, lalo na nang pumutok ang pandemya.
Ang kaibahan lang – nadagdagan ang specialized hospitals ngayon na nakatutok gumamot sa mga sakit na marami ang tinatamaan at nakamamatay.
Tertiary at specialized hospital ang San Lazaro para sa communicable diseases tulad ng meningococcemia, tigdas, sexually transmittee diseases, diptheria at nung nagsisimula ito ay leprosy.
Noong 1577 ito binuksan at isa sa dalawang oldest hospitals sa Pilipinas na ang isa ay San Juan De Dios.
Panahon naman ni Marcos Sr. itinayo ang Philippine Heart Center for Asia, Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney Instiute (NKTI).
Sa Lung Center makailan beses akong nagpacheck up noong estudyante at after college para sa baga, all clear no lungs, joke:) I mean, walang spot.
Swabe ang daloy ng proseso at wala masyadong hassle kahit marami-rami ang nagpapatingin.
Suki ako ni Dra Marfil na ina ng reporter na si Martin. Ni-refer ako sa kanya ni Dra Mita Pardo de Tavera noon.
Side story lang:
Si Tavera ay naging DSWD Secretary ni Pres Cory Aquino.
Nakilala ko siya dahil socio-civic leader at community health worker bago pa siya magtrabaho sa gobyerno.
Nagsusulong siya ng primary health care at may NGO at maliit na pagamutan halos katabi ng Labor hospital na ngayon ay Quirino Memorial Hospital.
Naalala ko nasunog ito late 1990s at marami rin ang namatay. Napagawa naman agad ito the following year.
Taong 2022.
For the firsr time, pumasok ako sa emergency room ng National Kidney and Transplant Institute na maliit lang, medyo masikip.
Pansin ko lahat ng pasyente pinapaupo nila sa wheelchair doon kaya na-awkward ako dahil wala man akong seryosong sakit, malakas at nakakalakad pa.
Maghapon akong naghintay bago dumating ang espesyalista.
Sandali lang naman ang usap sa doktor at nakauwi naman sa gabi.
Yung mga sumunod na follow-up check-up as out-patient ang parusa para sa akin.
Tuwing nagpupunta ako until January this year, umaabot ng 400 hanggang 500 ang pasyente sa isang covered court.
Jampacked araw-araw.
Datos din yan sa mga medical personnel at admin ng NKTI.
Kahit may higanteng fans, mainit dahil outdoor ang waiting area.
Maayos naman CR pero hindi kasing ganda sa Lung Center.
In fairness, organized ang flow ng proseso, maayos makitungo ang medical personnel at admin staff.
Feel ang malasakit pati mga dokor, kaya dyan na lang makakabawi sa maghapong paghihintay.
Ang obserbasyon ko lang sa NKTI, sa sobrang dami ng pasyente, inaabot nang mula one week hanggang isang buwan bago makabalik para sa face-to-face medical check up.
Kung manggagaling sa malayong lugar o probinsya, dusa sa gastos at hindi komportable sa pasyente pwera lang kung may kamag-anak sa metro.
Kaya marami sa out-patient ay may baong food at dun mismo sa pila ng mga upuan kumakain.
Meron namang bilihan ng pagkain sa waiting hall kaya lang superkonti ang choices, di man ganu malasa, tama lang presyuhan at di ganun mukhang alaga sa linis at medyo madilim.
May mga nagtitinda rin ng mga ulam sa labas ng ospital, sidewalk facing East Avenue at mga fastfood sa Heart Center at sa kahabaan ng kalsada.
Wala man binabayaran sa out-patient na consultation fee, sa gamutan talaga gagastos.
Kung indigent o Philhealth, nakakatulong.
Kung sa private daw siguro ako, walang isa o tatlong buwan at tapos ang gamutan.
September o October ako nagsimula magpa-check up sa NKTI.
Pero syempre di man maiiwasang magtagal o abutin ng mga buwan ang gamutan, may mga dinaraanang proseso ng lab tests then check-up, lab tests ulit then check up and so on and so forth.
Wish ko lang, magtayo rin ng highly specialized hospitals kahit sa bawat major island ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Para accessible agad sa mas maraming tao.
Sana yung waiting hall for out-patients ay gawing enclosed at air-conditioned.
Nag-oobserve naman lahat ng protocol kaya kampante rin ako.
Best din pagandahin at gawing mas malinis ang mga kainan; ganun din ang mga toilet, i-upgrade, lagyan ng mga tabo o bidet dahil mga pasyente ang karaniwang gumagamit para mas magaan ang pakiramdam.
So far, wala man ako masabi sa dedikasyon, galing at sipag ng mga doktor, nurses, iba pang medical practitioners hanggang sa security guards.