Senior citizens, galaw-galaw nang hindi ma-stroke

KUMUSTA na mga lolo’t lola at tito’t tita natin riyan na senior citizens na rin!

Hirap pa rin ng buhay noh lalo’t mataas pa rin ang mga presyo ng bilihin.

Kaya naman kahit papano, malaking tulong ang nilakihang special discount sa Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC).  Kasama na syempre makikinabang ang Persons WIth Disablities (PWDs).

Kung dati kasi, ang halaga kada linggo na pwedeng ma-discount ay P65, pero effective March 25, ay P125 na. 

Kaya sa nagdaang 14 na taon, kung ang kabuuang halaga na pwedeng mabili linggo na madidiskwentuhan ay P1.300, ngayon ay P2,500 na.  

Base yan sa Joint Administrative Circular na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) Department of Agriculture (DA) at Department of Energy (DOE), March 21, 2024.  

Mache-check nyo ang kautusang ito sa DTI website  (https://bit.ly/JAO24-02). 

So, ano-ano ang mga bilihin o BNPC na sakop ng initiative na ito ng DTI, DA at DoE?
Matik, pasok ang bigas, mais, tinapay, karne, isda, itlog, gulay. prutas, sibuyas, garlic, cooking oil, asukal, fresh at processed milk, sardinas at corned beef pwera yung branded, wag magkapritso, lol!

Take note lang po mga lolo’t lola, hiwalay ang special discounts na ito ng tatlong agencies sa 20 percent discount na mandato ng Republic act 9994 o yung Expanded Senior Citizens Act of 2010, at  Republic Act 10754, An Act Expanding the benefits and Privileges of PWDs.

Konting repaso lang sa listahan ng discountables o privileges ng seniors:

Sa ilalim ng RA 9994, exempted sa income tax ang seniors na kumikita lang ng minimum wage  at training fees sa socio-economic programs. 

Libre ang medical at dental services sa gobyerno kasama na ang flu at pneumococcal vaccinations lalo na sa indigent elderlies o mahihirap na mga ingkong at ingkang. Sa mga gusto pa ring mag-aral, may scholarship at financial assistance sa public at private.

Dapat may express lanes sa seniors sa lahat ng upisina ng gobyerno at establishments.  Pag sumalangit nawa sina Lolo, ang naiwang pamilya ay pwedeng mag-claim ng 20% discount sa funeral at burial services tulad sa hospital morgues. ataol o urns at pagpapa-embalsamo at cremation services.

Sa RA 994, may 20 percent discount pa rin sa mga gamot, generic man o branded, vitamins; isama na ang hearing aids, salamin sa mata, wheelchairs, pustiso, at saklay

Discounted din ng 20 percent ang pamasahe sa barko at eroplano; jeepney. bus, shuttle, MRT. LRT at tradisyunal na train.

Ganun din sa mga fastood at restaurants, hotels at mga resort.Pati nga up sa sports facilitities may 20 percent less kasama na ang sports courts, bowling etc.

Ganun din sa tubig at kuryente kahit maliit lang at limitado sa konsumo nyo: sa kuryente, 5 percent discount sa hindi lalampas 100kwh at 30 cubic meters naman sa tubig.

Syempre pahuhuli ba ang libreng sine sa maraming syudad. Kaya ang task ng Seniors natin – tiyakin na ini-implement ito.  Kapag hindi, magbida-bida kayo.

Kung may problema, eto po ang hotlines sa may reklamo:

DTI Direct (1-384), Lunes hanggang Linggo , 8 – 5 pm
Department of Agriculture, 8888
Department of Energy,  +63 284792900
National Commission of Senior Citizens:
(063)(02)8652-5593 – NCR
8652-4282 – Cluster 3
8281-3301 – Central