Segregation ng vaxxed at unvaxxed problematic

DAPAT tutulan natin ang proposal ng ilang negosyante na ihiwalay ang mga taong bakunado sa mga hindi pa bakunado bilang pangontra sa pagdami ng mga COVID-19 infections at paghina ng negosyo sa bansa.

Ihihiwalay raw sila sa pampublikong sasakyan, restaurant, workplace, malls at iba pa.

Kung ipatutupad ang proposal mas mabilis na babagsak ang kabuuang ekonomiya dahil sa pagdami ng mawawalan ng trabaho, paghina ng mga negosyo at lalawak o magiging normal ang discrimination dito sa bansa.

First, the proposed separation of vaccinated persons from unvaccinated ones is willful discrimination. It will widen and deepen the existing discrimination in our society.

Napakadami ng diskriminasyon dito sa bansa–nariyan ang diskriminasyon sa mga mahihirap, diskriminasyon sa mga kababaihan, diskriminasyon sa mga persons with disability, diskriminasyon sa mga senior citizens, diskriminasyon sa mga special people with special concerns, diskriminasyon sa mga LGBTQIAP (Lesbian, Gay, Bisexual,Transgender, Queer, Intersex, Asexual, Pansexual), diskriminasyon sa mga PLHIV (People Living with HIV), etc.

Kung ipatutupad ang panukalang ihiwalay ang bakunado sa hindi bakunado, mas magiging kawawa at mas maaapi ang mga kakabayan natin na mahihirap at walang kapangyarihan na makakuha ng bakuna kahit gusto na nilang magpaturok.

Second, separating the vaccinated from unvaccinated does not guarantee that there would be no virus transmission. The virus is airborne and transmissible not only by sickened person coughing or sneezing but also via surface of our skin and our clothes. So, kahit na bakunado ka na, makakahawa ka pa rin gaya ng hindi bakunado.

Third, the separation would also hurt businesses that are already hurt by the pandemic crises and worsen the already dying economy because only the few vaccinated customers and buyers could buy goods and services. Dahil dito mas bababa ang economic activities at maraming kumpanya ang magsasara.

Fourth, it would also create unemployment and or shortage of workforce because not all employees are vaccinated.

Such segregation will also violate equal protection clause provided by the Constitution. Ayon sa prinsipyo ng equal protection, everyone, including government, must treat all persons with fairness and equality.

Besides, kulang na kulang pa ang suplay na bakuna sa kabila ng napakaraming gustong magpabakuna. Kung kaya’t unfair o hindi patas na i-discriminate o ihiwalay mo sila sa mga pampublikong sasakyan, malls, restaurants, supermarkets, at iba pa.

Sa halip, mas mainam pa rin na ipatupad o kaya ay higitan pa ang mga minimum health protocols sa sarili, umiwas bumababad sa matao at enclosed spaces na mga lugar, at manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari.

Dapat paigtingin pa ang mass vaccination program, mas maraming mass free testing at mas seryosohin pa pagsagawa ng contact tracing.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]