INCREASE in salary, job opportunities, lower prices of food and services, addressing COVID19 pandemic, fighting graft and corruption and reducing poverty are the top urgent concerns of working Filipinos these days.
Kung sino mang kandidato ang may malinaw na plataporma o bitbit na agenda hinggil sa mga urgent needs ng mga manggagawa ngayong campaign season for the May 9, 2022 national and local elections ay may advantage.
Next year’s elections are to be held at a time we all witnessed how our politicians and government officials responded to help the people during the COVID19 pandemic.
Nakikita at nararamdaman ng taumbayan ang politiko at public officials ang may tunay na malasakit, may angking talino at galing sa pangtulong sa kanilang mga constituents.
Kakaiba ngayong pandemic dahil ngayong panahon ng krisis, dito natin masusukat kung sino ang lingkod bayan na ginto o tanso sa pangsisilbi sa taumbayan lalo na sa mga mahihirap at mga nangangailangan.
Ang paparating na eleksyon ay kakaiba sa mga nakasanayan na natin na botohan. Maraming nawalan ng trabaho, maraming may trabaho nga pero floating o kaya naman ay on-call at dalawang beses lang pumasok kada linggo.
Dahil sa krisis, bumabagsak ang halaga ng stagnant na sweldo habang pataas nang pataas ang presyo ng mga pagkain at mga serbisyo.
May advantage ang kandidato na may malinaw at practical na programa o platform of government hinggil sa paglaban natin sa COVID19 pandemic.
Lubog sa utang ang mga botante. Regular na trabaho ang hanap nila upang makaagapay sa problema sa renta sa upa sa bahay, pambayad sa kuryente at tubig, tuition fee, internet data at gadget ng mga bata, pambili ng maintenance na gamot at maayos at disenteng pagkain ang kailangan nila.
Ang mga usapin na ito ang gustong marinig ng mga botante mula sa mga kandidato na nag-aplay bilang elected public servant.
Kandidato ka ba? Weh, eh ano naman plataporma mo?
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]