SADNESS at madness na parati kong nababasa sa FB posts ng mga ka-familiar ang problema sa regular / rotational brownouts sa kanilang mga probinsya.
Hindi na tayo nilulubayan ng perennial brownout na yarn imbes minsanang brownout lang sana.
Meron o walang problema sa supply ng kuryente, isyu na ang nawawalan o kakulangan ng kuryente.
I can imagine ang sakripisyo at mga panganib lalo na sa kalusugan at kabuhayan ng mga lugar na walang kuryente kaya sobra akong nakikisimpatya sa mga kababayang apektado.
Pinakamatinding dumaranas ngayon ng rotational brownouts ang Mindoro Occidental na 20 oras kada araw kaya nasa ilalim na sila ngayon ng State of Calamity.
Nanawagan mismo si Governor Eduardo Gadiano kay Marcos Jr na saklolohan sila.
Ayon sa Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECo), 12 megawatts (MW) lang ng kailangan nilang 30 MW na load ang sina-supply ng nag-iisa nilang power supplier, ang Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC).
Sinisisi ng OMCPC ang National Power Corporation (NPC/NaPoCor) dahil hindi sila binabayaran ng kanilang fuel subsidy na kailangan para sa ibang power plants sa nagdaang anim na buwan.
Sa balita ng GMA online news, sinisisi ni Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona ang Energy Regulatory Commission (ERC) dahil hindi umano inaksyunan ang request ng NPC na i-adjust ang power rates.
Pero itinanggi ito ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta dahil ayon sa kanya, walang pending request ang NPC.
Ayon pa kay Dimalanta, OMCPC ang nag-file ng mga motion na taasan ang rates nito.
Dagdag pa ni Dimalanta, inatasan na ng Department of Energy (DoE) ang NPC na bayaran ang aprubadong rates pero kapos ito sa pondo.
Marami pang probinsya ang nakararanas ng patuloy na brownouts tulad ng Leyte, Biliran, Samar, Baguio-Benguet, Ilocos Norte, Aklan, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Ilocos Sur, Nueva Ecija, Aurora, Batangas, Isabela, Bohol, Bataan, Capiz, Negros Oriental, Lanao del Sur, Lanao del Norte, at iba pa. Hayahay.
Base yan sa schedule ng National Grid Corporation of the Philippines na ipinoste sa kanilang Facebook page nitong Martes, April 25.
Bukod sa kakulangan sa power sources, isa ring dahilan ng power outage ay lumang power plants.
Base sa DoE, mahigit 50 porsyento ng installed capacity ay galing sa power plants na 20-years-old and above. Naiiwasan naman sana raw ito kung well-maintained ang power plants at may sapat na panahon para sa kanilang maintenance.
Sa isang pag-aaral nung 2021, ang electric cooperative customers ay nakaranas ng average na 5.7 power interruptions o katumbas na 8.8 hours.
Yan ay yung meron talagang electrification, imaginin na lang ang buhay ng mga walang kuryente since birth.
Sa status report ng implementation ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) nung 2021, sinabi ng Department of Energy na merong 1.62 million na kabahayan ang wala talagang kuryente.
Tapos majority naman ng power sources ay coal plants.
Sa datos ng DoE, 58 porsyento ng kuryente sa Pilipinas ay galing sa power plants na ginagatungan ng uling, 22 porsyento mula sa renewable energy, 17 porsyento mula sa natural gas at 1 percent mula sa langis.
Taong 2023 na tayo pero atrasado pa rin sa basic service na electrification.
Hindi forward-looking ang local at national leadeship, or kung forward looking man, hindi priority, or kung priority man, drawing lang, or hindi man drawing, pinagkakakitaan naman. Nakakapagod kayo.
Nanawagan tayo kay Marcos Jr na aksyunan agad ang sitwasyon sa Negros at supply ng kuryente sa buong bansa.
Nanawagan din tayo sa National Electrification Administration (NEA) na nangangasiwa sa 121 electric coops sa bansa na mag-exert pa ng dagdag efforts para mailawan ng tuloy-tuloy ang mga problemadong lugar at yung wala pang mga kuryente.
Sa interview ng Super Radyo dzBB, nagmungkahi si Gerry Arances, executive director ng Center for Energy, Ecology and Development na gamitin ng LGUs ang renewable energy tulad ng solar power.
Ayon kay Arances kaugnay ng problema sa kuryente ng Negros Occ., base sa bagong patakaran sa distributed energy resources ng ERC, pwede na agad mag-deploy ng one megawatt na mga planta na bawal dati.
Sabi pa niya, sa Renewable Energy Law, 30 porsyento ng 1 MW na kanilang itatayo ay pwedeng ibato sa electric coop o distribution utility.
Naninindigan naman ang National Youth Movement for the West Philippine Sea na iterminate na ang project contract sa Malampaya na nasa kamay nina Dennia Uy at Enrique Razon.
Hindi na nga sila technically qualified dahil zero experience sila sa state-of-art technology ng deep-water gas to power project o paghigop ng natural gas at condensate sa kailaliman ng Palawan basin, kumikita pa sila ng P100M kada araw na dapat sana mapunta sa kaban ng bayan para sa paghanap at pag-develop ng alternative energy sources.
Nito ring Martes, nanawagan si Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na mag-explore na ang gobyerno sa Reed Bank sa West Philippine Sea na pinaniwalaang mayaman sa oil at gas deposits.
O alam na this. Suportahan at bantayan.