Pinas consistent sa 10 worst place for workers

CONSISTENT ang Pilipinas sa listahan ng 10 pinakamalalang lugar para sa mga manggagawa. Sa pagkalaalam ko pang-apat o pang-limang taon na ng Pilipinas na makasama sa listahan.

Ayon report na ipinalabas ng International Trade Union Congress (ITUC) last week, ang 10 worst countries for workers ay ang Bangladesh, Belarus, Brazil, Colombia, Egypt, Myanmar, Philippines, Turkey, Eswatini at Guatemala.

Ang ITUC ay samahan ng mga 200 million unionized or organized workers in 163 countries all over the world. These unionized workers are working in all key industries in manufacturing, service and agriculture.

Ang mga unyon dito sa Pilipinas ay nagsusumite kada taon ng report sa ITUC tungkol sa mga nangyayari at nararanasan nila dito sa ating bansa.

Ang ITUC naman ang na nagpapalabas ng report.

Ilang union officers and organizers na ang pinatay, dinukot, tinortyur at tinatakot habang sila ay nag-oorganisa ng unyon o mga communities. Mayroon nga akong kakilala na lider ng unyon na plinantingan ng shabu at pinahuli sa pulis para lang matigil sa pag-oorganisa ng unyon sa mga manggagawa ng isang sikat na ladies bag and accessories.

Nariyan din yung red-tagging sa mga ito o yung pag-label sa kanila bilang mga communists at manggugulo.

Ang pag-oorganisa ng mga manggagawa na bumuo ng unyon at makipag-negotiate, at makipag-collective bargain sa may-ari ng negosyo upang itaas ang sahod, madagdagan ang benepisyo at magkaroon ng security of tenure ay ini-encourage ng ating Labor Code at ng ating Constitution.

Maraming mga employers ang gumagamit ng violent means to prevent the formation of unions in their company. Malaki raw kasi ang profits nila kapag walang unyon sa kanilang kumpanya kung kaya gumagamit sila ng iba’t ibang tactic para mapigilan ang pagbuo ng unyon.

Ang maging consistent na mapabilang sa 10 worst countries for workers ay isang malaking kahihiyan at dungis sa isang negosyo. Isa ito sa mga dahilan kung bakit yung mayayaman at matitinong kumpanya ay hindi nag-iinvest ng negosyo sa Pilipinas dahil ayaw nila na maging kabahagi ng hindi magandang lugar para sa mga manggagawa.

Haayy. Kelan kaya tayo maaalis sa listahan?


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]